Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drug rehab center niratrat: 24 patay, 7 sugatan

0 322

Pinaulanan ng bala ng mga hindi pa tukoy na gunmen ang isang drug rehabilitation center sa Mexico, kung saan 24 katao ang namatay habang 7 ang sugatan.

Ayon sa pulisya naganap ang pag-atake noong Miyerkoles sa Irapuato City, pinaputukan umano ng mga salarin ang lahat ng mga nasa rehabn center, tatlo sa pitong sugatan ang malubha umano ang kondisyon.

Wala pa umanong motibo sa pag-atake, pero iniimbestigahan na kung sangkot sa insidente ang awayan ng mga drug gang sa lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.