Una sa Balita

Drug queen ng Maynila tinutugis sa US

0 550

Pinaghahanap na ng United States Homeland Security ang tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesman at Undersecretary Markk Perete, kumikilos na ang mga awtoridad ng Estados Unidos para matunton ang kinaroroonan ni Castro sa Amerika at maibalik ito sa Pilipinas.

Una nang inihayag ng Bureau of Immigration na nagawang makalabas sa Pilipinas ni Castro noong Setyembre 21 sa kabila ng iba’t ibang kaso na kinakaharap nito.

Si Castro ay isang elected barangay chairperson sa Sampaloc, Maynila na inihayag ng Philippine National Police na sangkot umano sa operasyon ng ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy