Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drug pusher na, rapist pa sinelda

0 158

Patong-patong na kasong kriminal ang kinakaharap ng isang drug pusher makaraang mabunyag na ni-rape nito ang kanyang menor de edad na hipag sa San Ildefonso, Bulacan.

Base sa report ni P/Major Russel Dennis E. Reburiano, Chief of Police ng San Ildefonso Municipal Police Station, unang naaresto ang 32-anyos na suspek sa buy-bust. Nadagdagan pa ang kaso dahil sa umano’y panggagahasa sa 12-anyos nitong hipag sa kanilang tinitirhan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pasado alas-siyete ng gabi kamakalawa, nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng San Ildefonso police sa Brgy. Calawitan na target si Gardon.

Habang nasa lugar ay dito na nakumpirma ng pulisya sa mga barangay official na ang suspek ay may reklamo kaugnay ng panggagahasa habang nasa ilalim ng impluwensya ng droga.

Dinala ang suspek sa Bulacan Crime Laboratory Office sa Malolos upang ipasailalim sa drug test habang nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal. (Jun Borlongan)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.