Una sa Balita

Drug personality binutasan ng bungo

0 416

Natagpuan ang bangkay ng diumano’y drug personality na may tama ng bala sa ulo sa gilid ng highway sa Sariaya, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Marvin Pedragoza, 21-anyos, taga-Barangay Cotta, Lucena City.

Nakita umano ng mga dumadaan sa lugar ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa gilid ng Eco Tourism Road sakop ng Barangay Talaan alas-sais nang umaga.

Nakagapos ang dalawang kamay nito sa likuran at natatakpan ng packaging tape ang mata at bibig.

Ayon sa ilang residenteng malapit sa lugar, bandang alas-12:00 nang hatinggabi pa nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril sa nasabing lugar.

Wala namang nakita ang mga imbestigador na mga basyo ng bala sa crime scene.

Ayon naman sa mga barangay official, ito na ang ikalimang bangkay na itinatapon sa nabanggit na may kadilimang lugar ngayong taon.

Napag-alaman din na ang biktima ay sinundo ng isa niyang kakilala sa kanilang bahay noong gabi bago ito natagpuang patay.

Bukod sa nasa drug watch list ng Lucena PNP, sangkot din umano ito sa ilang kaso ng pagnanakaw sa kanilang lugar. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy