Una sa Balita

Drug operations pa more…

By
0 3

Walang puknat ang drug operations na isinasagawa ng pulisya sa kasalukuyan matapos mapasuko ang may 100 drug addict at pushers sa South Cotabato at makaaresto pa ng mga sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa Misamis Oriental.

Sa pinakahuling ulat ni Insp. Berdito Delco Jr. ng Sto. Nino Police, South Cotabato na karamihan sa mga sumuko ay pawang mga drug pushers mula sa mga barangay ng Ambalgan, Teresita at Katipunan.

Kasabay nito, sinabi ni Delco na tinatawagan na nila ang mga  gumagamit ng iligal na droga na sumuko na bago pa sumapit ang Hunyo 24 na itinakdang petsa upang tanggapin ang mga nais sumuko kung saan lalagda sila ng affidavit of undertaking at palalayain.

Abante Hiring – IT dep

Umaasa pa kami na madaragdagan pa ang mga susuko dahil hindi pa nangangalahati ang bilang ng mga sangkot sa illegal drugs na nasa watchlist ng PNP,” pahayag ni Delco.

Samantala, umaabot sa 12 sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng CIDG Misamis Oriental sa isinagawang pagdakip sa tinaguriang drug pusher at walong iba pa kamakalawa ng gabi sa El Salvador City, Misamis Oriental.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga awtoridad ang tinaguriang drug haven na nagresulta sa pag-aresto kay Rico Jangao, ng Ipil Village Alo, Poblacion, El Salvador City.

 Naaresto rin sa raid ang mga drug users na sina Jacob Gil; Joseph Batu­tay; Dante Ragmac; Marlou Pates; Chester Oliveros; Nolan Tapsasan; Jason Bahoy at Vincente Fernandez.