Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drug lord Vicente Sy dedbol sa Bilibid

0 61

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na patay na ang convicted drug lord Vicente Sy sa National Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Guevarra, namatay si Sy dahil sa iba’t ibang sakit na iniinda nito pero wala pang pormal na detalye sa pagkamatay ng high-profile inmate.

“I have just been informed that Vicente Sy has died on account of various illnesses. But I still have to receive a formal report about it,” ayon kay Guevarra.

Si Sy ay kabilang sa mga kontrobersyal na inmate na tumestigo laban kay Senator Leila de Lima sa kanyang kasong drug pero kalaunan ay binawi nito ang kanyang testimonya.

Sinabi ni Sy sa kanyang binawing testimonya na hindi niya binigyan ng P500,000 si De Lima, taliwas sa kanyang naunang pahayag na binigyan niya ito.

Ito ay sinabi ni Sy sa ginanap na hearing sa kasong drug ni de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205.

Kasama ni Sy na tumestigo noon kay de Lima si Jaybee Sebastian at Peter Co. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.