Una sa Balita

Drug lab sumabog, rapper biyak ang bungo pero buhay

0 453

KINAILANGANG tapyasin ang malaking parte ng bungo ng isang rapper matapos ang naganap na pagsabog sa kanyang homemade drug laboratory.

Ayon sa Daily Mail report, tumilapon sa kanyang Cologne recording studio ang German rapper na si Dr. Knarf, na Niko Brenner ang tunay na pangalan, matapos sumabog ang mga bote na may lamang highly flammable propane gas.

Ginagamit ni Knarf ang gas sa kanyang DIY drug laboratory para makagawa ng highly concentrated form ng cannabis extract.

Sa kabila naman na malaking bahagi ng bu­ngo niya ang natigpas at paralisado ang kalahati ng kanyang katawan, nananatiling positibo ang 35-anyos na si Knarf.

Nag-aaral na siyang maglakad at maglalabas ng bagong album na ‘Prometheus’ sa 2020. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy