Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drug den sinalakay, 7 timbog

0 33

Dinakip ang pito katao matapos salakayin ng mga pulis ang isang bahay na ginagawa umanong drug den sa Valenzuela City, Miyerkoles ng gabi.

Kinasuhan ng paglabag sa Section 5, 11, 12, 15 ng Article 11 ng R.A. 9165 sina Jerry Colinares Jr., 25; Jemmiline Barbosa, 30; Lilibeth Lerit, 51; Eller Rabino Jr., 30; Mark Anthony Macaspac, 31; Michael Demie, 30; at Jennifer Padua, 27, pawang mga residente ng Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nasabing siyudad.

Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police, bandang alas-11:40 kamakalawa ng gabi ikinasa nila ang buy-bust operation kina Colinares at Rabino Jr. sa kanilang bahay sa Dulong Tangke.

Isa sa mga pulis ang nag-undercover at umiskor ng halagang P400 na shabu sa dalawa, kung saan pagkatapos ng abutan ay pinosasan na ang huli ng mga kasamahan ng nauna na nasa paligid lang.

Pinuntahan din ng mga pulis ang bahay ng dalawang tulak at doon huli umano sa akto ang lima pang indibidwal na sinasabing bumabatak ng shabu.

Nasa kabuuang 2.5 gramo ng shabu na may market value na P17,000 ang nasamsam ng raiding team. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.