Una sa Balita

Drug den sinalakay, 1 duguan, 9 arestado

By
0 1,394

Sinalakay ng Valenzuela City Police ang isang bahay na nagsisilbing drug den umano kung saan isang electrician ang nasugatan nang mabaril ng mga pulis habang siyam an katao kabilang ang isang tatlong babae at isang menor-de-edad ang nahuli kamakalawa ng hapon.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center si Jumer Biscocho, 22, nang barilin ng mga pulis sa katawan, naninirahan sa Rosario Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Dinakip din sa nasabing raid sina Judy Aldas, 36, Asuncion De Jesus, 28, Jeffrey Barrio Manda, 31, Edward Pantaleon, 38, Julio Adriatico, Allan Santos, 22, Earl Jerald Aldas, Lou Azylhea Dela Pena, habang nasa panga­ngalaga naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang 16-anyos na lalaki.

Abante Hiring – IT dep

Sa report ni P/ Chief Inspector Jowie louie Bilaro, head ng Station Drugs and Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-2:00 ng hapon, nagsagawa sila ng drug operation sa bahay ni Judy Aldas sa No. 5146 San Gregorio Street, Gen. T. De Leon, Valenzuela City, kasama ang ibang tauhan ng Philippine Air Force (PAF).

Dito nadampot ang ibang mga hinuli dahil drug den umano ang bahay ni Aldas . Nanlaban umano si Biscocho kaya binaril ng pulis na naroon sa lugar nang pinangyarihan ng raid.

Narekober sa kanya ang isang cal. 38 na may live ammunitions.

Nagpupuyos sa galit ang mga kaanak ng magkapatid na Earl Jerald at ng 16-anyos na lalaki, dahil hindi naman daw gumagamit o nagtutulak ng iligal na droga ang dalawa.

Ang magkapatid ay anak ni Judy Aldas na nasa watch list ng Phili­ppine Drugs Enforcement Ageny (PDEA).
“Dapat kung sino ang may kasalanan ‘yung lang ang hulihin ang kasalanan ni Perdo ay hindi maaring ma­ging kasalanan ni Juan,” sabi ni Juanito Aldas, lolo ng magkapatid.

Umaangal din ang ibang kaanak na dinakip dahil itinuro lang daw sila ng mga asset ng mga pulis na naka-bonneth at wala sila sa sinasabing drug den.