Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drug den sa Baguio City sinalakay, 6 nalambat

0 100

Nalambat ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang maintainer ng drug den kasama ang apat nilang kostumer matapos salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) ang kuta ng mga ito sa Magsaysay Avenue, Baguio City nitong Biyernes.

Kinilala ni PDEA-Cor director Gil Castro ang mga suspek na sina Juvylyn Reca Plaza, 36-anyos at Mia Jane Noquilla Postre, 29-anyos, mga residente ng Brgy. Green Valley sa Baguio City samantalang ang umano’y mga kostumer nila ay sina Joseph Castano, 48; Paterson Anciano Domaino, 23; Ismael Galman Dipatuan, 36, at Rodel Sachez Buhay, 23, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni Castro na nag-ugat ang pagsalakay sa hinihinalang drug den mula sa natanggap nilang intelligence report sa ilegal na gawain ng mga suspek.

Nang makumpirma ang impormasyon, inilatag ang operasyon laban sa mga ito ganap na alas-7:15 ng gabi. Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa PDEA-Cor at sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.