Una sa Balita

Droga sinuksok sa pekeng tropeo ng World Cup

By
0 1,254

Sinamatala ng Narcos de la Copa organization ang excitement na dala ng 2018 World Cup para makapagpuslit ng marijuana at cocaine.

Sa Argentina noong Biyernes, nakakum­piska ang mga awtoridad ng drugs na sinasabing pinapakalat ng organisasyon.

Nakatago raw ang mga droga sa pekeng World Cup trophies, ayon sa Security Minister ng Buenos Aires.

“These merchants of death have endless ingenuity, but don’t be fooled,” bahagi ng statement ni Argentina Minister of Security Cristian Ritondo. “They shouldn’t be admired. On the contrary … they are now in jail.”

Apat na kalalakihan at dalawang kababaihan umano ang inaresto.

Nasa 10 kilos ng cocaine, 20 kilos ng marijuana, 1,800 doses ng crack-cocaine na kilala sa bansa bilang “paco” at 400,000 Argentine pesos ($14,819) ang nasamsam ng pulisya.