Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Driver walang lisensya, buking pa sa shabu

0 34

Napurnada ang biyahe ng limang katao na patungo sana sa Bicol matapos arestuhin ang driver na kanilang inarkilang sasakyan dahil sa kawalan nito ng lisensiya at permit to transport passenger at nahulian pa ng hinihinalang shabu sa Indang, Cavite.

Kasong palabag sa Municipal Ordinance 227 at RA 9165 ang kinakaharap ng suspek na si Nestor Acabado, 41, ng Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:30 Sabado ng gabi nang parahin ang suspek na sakay ng Toyota Inova sa checkpoint na nakalatag sa Brgy. Alulod. Nang silipin ng awtoridad ang kanyang sasakyan ay nakita ang limang katao na sakay nito at nang tanungin ang mga ito ay sinabing patungo sila sa Bicol.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinanapan ng permit to transport passenger at lisensiya ang driver na hindi rin nakasuot ng face mask at face shield, pero wala itong naipakita dahilan para arestuhin.

Pagdating sa presinto nakita pa sa pag-iingat ng driver ang isang sachet ng shabu. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.