Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Driver tsinugi sa lamay

0 127

PATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin habang nakaupo katabi ang kanyang live-in partner na nasa lamayan kamakalawa ng gabi sa Barangay Deet, Tayum, Abra.

Kinilala ng Tayum Police Station (TPS) ang biktima na si Dionisio Sequerra Jr., 52, taga-Barangay Macray, Ban­gued ng na­sabing lala­wigan.

Samantala, ang hindi pa kilalang mga suspek ay agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa TPS, bago ang krimen ay nakatanggap umano ng ulat mula kay Barangay Deet Chairman Bernardo Samuel Tacanay, hinggil sa nangyaring barilan sa lugar.

Agad namang nagresponde ang mga pulis sa lugar at nakita ang biktima na nakahandusay sa kalsada at naliligo na sa sariling dugo dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na report, nakaupo ang biktima katabi ang live-in partner habang nakikipaglamay nang dumating ang isang motorsiklo. Dito’y bumunot ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.