Una sa Balita

Driver todas sa buy-bust, 18 pa timbog

0 251

PATAY ang isang tsuper na hinihinalang tulak ng iligal na droga habang 18 iba pa ang naaresto sa iba’t ibang drug buy-bust operations na isi-nagawa ng pulisya sa Bulacan kahapon.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police, napatay si Jan Bryan Reyes, alyas ‘Barako’, driver, residente ng San Miguel at kabila sa drug watch list ng Pandi, Bulacan.

Nabatid na dakong ala-1:30 nang umaga nang makatunog si Reyes na pulis ang kanyang katransaksiyon sa bentahan ng shabu sa Brgy. Poblacion, Pandi kaya bumunot siya ng baril at nagpaputok sa mga pulis.

Gumanti ang mga pulis kaya napatay si Reyes na nakuhanan ng isang kalibre .38 Smith and Wesson revolver, limang sachet ng shabu at isang five-hundred-peso bill buy-bust money.

Nagsagawa naman ng buy-bust operations ang pulisya sa San Rafael, Meycauayan, San Miguel, San Jose Del Monte, Bocaue, Santa Maria, Marilao, Hagonoy, Balagtas, at Baliwag kaya naaresto ang 18 hinihinalang tulak ng bawal na gamot na sinampahan ng kaukulang mga kaso sa Camp Alejo Santos sa Malolos City. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy