Una sa Balita

Driver tinarakan sa harap ng Puregold ni Lucio Co

By
0 448

Kritikal ang isang driver nang saksakin ng dalawang­ lalaki sa harap mismo ng Puregold ni Lucio Co sa Caloocan City, kamakalawa nang hapon.

Inoobserbahan ngayon sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Arlan Bayron, 32, ng No. 4748 NPC Barangay Bagbaguin, Barangay 165 ng nasabing lungsod, matapos magtamo ng malilim na saksak sa likurang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek na si Eduardo Gutierez, 52, naninirahan sa Barangay 8, Caloocan City at isang nakilala sa alyas na “Boy.”

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Olpindo, bandang alas-dos nang hapon, sinita ni Gutierez si Bayron dahil alanganin ang parada ng kanyang truck sa harap ng Puregold sa Monumento, Barangay 76.

Nagkaroon ng mainitang diskusyon ang dalawa hanggang sa magsuntukan.

Nakita ni alyas ‘Boy’ na agrabyado ang kaibigan kaya lumapit ito at tinarakan sa likod si Bayron.
Pinaghahanap pa ang tumakas na mga suspek.