Una sa Balita

Driver tinambangan ng riding in tandem

By
0 1,122

Patay ang isang tricycle driver matapos na tambangan at walang habas na pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng iisang motorsiklo sa lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi.

Ganap na alas-siyete pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa isang kalye sa Barangay 176, Bagong Silang, ng nasabing lungsod. Sakay umano ng kanyang pinapasadang tricycle ang biktimang si Benjie Nonay, nasa hustong gulang, ng nasabi ring lugar at naghaha­nap sana ng pasahero.

Doon na siya sinalubong ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at walang habas na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na agaran niyang ikinasawi.

Mabilis ding nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi na nalamang direksyon. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng ­pulisya.
Kasalukuyan na ring inaalam ang pagkaka­kilanlan ng mga salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.