Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Driver sinalubong si Kamatayan

0 277

HINDI na nasilayan ng isang 23-anyos na tricycle driver ang pagpalit ng taon nang bawian ng buhay habang ginagamot sa ospital nang bumangga ang minamaneho nitong tricycle sa center island sa Imus City, Cavite.

Ang biktima ay si Christian Louis Fabreag, driver ng isang motorsiklong Kawasaki, taga-Imus City.

Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Daang hari alas-7:30 Huwebes ng umaga habang minamaneho ang kanayng motorsiklo patungo sa East-West direction pero pagsapit sa Brgy Pasong Buaya1, ng naturang Lungsod ay sumalpok ito sa center island dahilan upang malaglag sa motorisklo habang dumiretso pa ng ilang metro ang kanyang tricycle.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit namatay din ito habang ginagamot dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.