Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Driver, siklistang walang face shield bawal hulihin

0 52

IGINIIT ng Department of Health (DOH) na hindi dapat hinuhuli ang mga siklista at iba pang driver dahil sa hindi pagsusuot ng face shields.

Muling inihayag ng DOH na hindi inoobliga ang mga siklista at iba pang aktibong transport user na magsuot ng face shield dahil sa posibleng panganib na dulot nito sa kanila habang bumibiyahe.

Base sa section II(B)(6) ng DOH Department Memorandum No. 2020-0534 na nagtakda ng mga guideline sa paggamit ng face shields bilang pangontra sa COVID-19, “individuals engaged in strenuous activities/work, fine workmanship, operation of transportation vehicles, and active transport” are exempted from wearing face shields.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod pa na sa Section II(A)(5) ng DOH-DTI-DOLE-DILG-DOTr-DPWH-PSC-GAB Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2021-0001, na nagtakda ng clarificatory guidelines sa mandatory use ng face shields sa labas ng bahay.

Tiniyak ng DOH sa publiko na patuloy itong makikipag-ugnayan sa national at local governments para tiyakin ang kaligtasan at epektibong paggamit ng mga bisikleta sa panahon ng pandemya. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.