Una sa Balita

Driver patok ang sari-sari store sa multicab

0 424

PATOK sa Puerto Princesa ang ginawa ng isang green multicab driver na naglagay ng sari-sari store sa loob ng kanyang ipinapasadang sasakyan.

Nabatid na may isang taon at kalahati na ang store on wheels ni Jay Silvano, 32 matapos niyang magmaneho ng tourist van ng may tatlong taon.

Una umanong nagmamaneho lamang ng multicab si Silvano hanggang maisip niya na magtinda ng candy para hindi na siya bili nang bili at nang makita niya ang potensiyal ay nagdagdag pa siya ng mga chips.

“Noong bakasyon walang pasok, laging sila ang kasama ko dito sa multicab dahil wala naman makasama sa bahay, kami lang. ‘Yong time na ‘yon, sabi ko ano kaya kung maggawa na lang tayo dito ng tindahan para ‘di tayo bili nang bili, ‘yon ang una, naglagay kami ng candy. So, nakita namin ang potensyal kasi meron mga bumibili, nagdagdag kami nito (chips),” ayon kay Silvano.

Kumikita umano si Silvano ng hanggang P200. Kada araw sa kanyang mga panindang candy.

Hinihikayat rin ni Silvano ang kanyang kapwa driver na gayahin ang kanyang ginawa para magkaroon ng extra income.

Plano ni Silvano sa hinaharap na maglagay ng libreng wifi sa kanyang sasakyan para sa mga pasahero. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy