Una sa Balita

Driver ng kuliglig dedo, 30 pa nadale

0 228

TODAS ang isang magsasaka na dri­ver ng kuliglig habang 30 pa ang su­gatan na pasahero matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Brgy. Naganacan, Sta. Maria, Isabela noong Linggo nang gabi.

Kinilala ng Sta. Maria Police Station ang namatay na si Virgilio Da­nga, tubong Tuao, Cagayan habang ginagamot sa ospital.

Sa imbestigasyon, ayon sa SMPS, binabaybay ng sasakyang minamaneho ni Jerome Wangdali ang kalsada at hindi nito napansin ang sinusundang kuliglig na minamaneho ni Da­nga kaya niya ito sinalpok.

Sinabi ng pulis, dumiretso ang sasakyan ni Wangdali sa kabilang linya at sinalpok naman nito ang gulong ng paparating na pampasaherong bus.
Dito, sumabog ang gulong ng bus hanggang sa natumba ito.

Nasugatan sa insidente ang halos 30 pasahero ng pampasaherong bus.
Nakalabas na sa ospital ang karamihan sa mga pasahero na nagtamo lamang ng minor injuries.

Wala umanong reflector sticker ang kuliglig at madilim ang kalsada dahil walang street lights na matagal na umanong inirereklamo ng mga re­sidente ngunit hindi pa inaaksyonan ng local government unit (LGU) Sta. Maria, Isabela. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy