Driver ng ‘killer bus’ negative sa drug test

By

Negatibo sa iligal na droga ang nasawing driver ng Leomarick bus na nahulog sa bangin sa Carangglan Nueva Ecija nitong Martes ng umaga.

Lumabas sa drug testing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na negative sa drugs ang driver na si Rolando Mangawang.

Paliwanag ni LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, pina-drug test parin nila ang nasabing driver kahit kasama ito sa mga namatay sa aksidente bunsod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa drug test si Mangawang upang malaman kung ito ay sabog sa droga nang mangyari ang trahedya.

Ayon kay Lizada, isusumite nila kay Pangulong Duterte ang resulta ng kanilang pagsisiyasat sa aksidente na ikinamatay ng nasa 33 pasahero at ikinasugat ng mahigit dalawampu.

Tiniyak din ng LTFRB na maibibigay ang nararapat na ayuda at benepisyo sa mga namatayan at sugatan sa trahedya.

SHARE