Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Driver nakatulog; baby, nanay sinalpok

0 174

Sugatan ang isang ina maging ang siyam na buwang gulang niyang sanggol matapos mabundol ng isang kotse sa Catbalogan, Samar.

Ang dahilan, nakaidlip umano ang drayber habang nagmamaneho.

Lumalabas sa isang ulat na maliban sa mag-ina, inararo rin ng tsekot ang ilan pang sasakyan sa daan na nasa harap lang ng Catbalogan Police Headquarters.

Dahil dito, nadale ang ermat sa paa samantalang nagalusan at nagkabukol naman ang kaanyang baby, na kapwa isinugod sa ospital.

Inamin naman umano ng drayber na nakatulog siya habang nagda-drive.

Dinakip ang suspek pero kalaunan ay napalaya matapos makipag-areglo sa mga biktima na babayaran lahat ang danyos at bayad sa ospital ng mag-ina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.