Una sa Balita

Driver nabundol ng motor, patay

By
0 5

TALAVERA, Nueva Ecija — Binawian ng buhay ang isang 30-anyos na tricycle driver makaraang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid pa­balik sa mga kainuman noong Martes ng gabi sa Brgy. Sampaloc dito.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Mayor Nerivi Santos-Martinez, nakilala ang biktimang si Crisanto Gabriel Octavio, residente ng Brgy. Marcos sa bayang ito.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-10:30 ng gabi nang aksidenteng nabundol si Octavio ng naka-motorsiklong si Anthony Lopez Valdez, 20, na angkas si Ma. Cecilia Marcelo Montemayor, 19, kapwa residente ng Brgy. Sibul, Talavera.

Natumba at nagtamo ito ng sugat sa ulo hanggang mamatay habang ginagamot sa ospital.