Una sa Balita

Driver nabagok sa suntok ng katrabaho

By
0 248

Nalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng isang driver nang suntukin ito ng kasamahan at mawalan ng malay sa loob ng pinapasukang trucking com­pany sa Malabon City kahapon ng umaga.

Naka-confine ngayon sa Tondo Medical Center si Randy Rivas, 41, may asawa, stay-in truck driver sa UBT trucking Corporation na nakabase sa No. 40 JP Bautista, Barangay Potrero, Malabon.

Nagkaroon ito ng malaking sugat sa ulo matapos mabagok dahil sa malakas na pagkakasuntok nang nakapugang si Felicisimo Indoy Baes Jr., 45, nakatira sa Block 27, Lot 12, Bautista, Dasmariñas, Cavite.

Sa salaysay ni Kenneth Jiel Baguio, security guard ng nasabing trucking company, 23, nauli­nigan niya na nagsasagutan sina Rivas at Baes dakong alas-otso ng umaga.

Hindi umano pumapayag ang suspek na siya ang magmaneho gayung siya ang naka-schedule na mag-drive ng trak.
Dahil dito, nagsuntukan ang dalawa ngunit naawat ni Baguio.

Gayunman, pagtalikod ng guwardiya ay sinuntok sa mukha ng suspek ang biktima na bumaligtad, tumama ang ulo sa semento at nawalan ng malay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy