Una sa Balita

Driver hindi naniningil ng pamasahe sa mga senior citizen

0 304

UMANI ng papuri mula sa mga netizen ang naging adbokasiya ng isang driver na huwag nang maningil ng pamasahe sa mga senior citizen na sumasakay sa pinapasada niyang jeep.

Kuwento ni Fortunato Bulabos, naisipan niyang ilibre na lang sa pamasahe ang mga senior citizen noong itaas sa P10 ang minimum fare sa mga jeep.

Ayon kay Bulabos, tulong na lang niya sa mga matatanda ang hindi pagsingil ng pamasahe.

Ikinatuwa naman ito ng mga matatandang pasahero ni Bulabos dahil malaking katipiran ito sa kanila lalo pa’t wala silang trabaho.

Hindi naman inakala ni Fortunato na magiging viral sa social media ang hindi niya paniningil ng pamasahe sa mga senior citizen.

Nagsimula lang ito nang mapasakay ang isang pasahero sa Marikina at mapansin ang karatula niya sa loob ng jeep na “Wala pong bayad ang mga senior citizen.”

Kinunan ito ng litrato ng isang Rafanan at ipinost sa kanyang Facebook account.