Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Driver binugbog ng mga pasaherong pinagsuot ng face mask

0 281

Namatay ang isang bus driver matapos siyang pagtulungan ng mga pasahero na tumangging magsuot ng face mask.

Na-coma ang biktimang si Philippe Monguillot, 59, matapos bugbugin ng mga pasahero sa Bayonne, France, ayon sa ulat ng BBC.

Limang araw ang nakalipas ay nagdesisyon ang kanyang pamilya na tanggalin na ang aparatong nakakabit sa biktima dahil naging left brain dead na siya.

Dalawang lalaki na edad 20s ang inaresto ang kinasuhan ng attempted murder matapos ang insidente noong Linggo.

Batay sa tala ng Johns Hopkins University, mayroon nang mahigit 208,000 na kaso ng COVID-19 sa France kabilang ang 30,000 na namatay at lampas 78,000 na nakarekober. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.