Una sa Balita

Driver agaw-buhay sa screwdriver

By
0 85

Isang 31-anyos na company driver ang nasa malubhang kalagayan nang pagsasaksakin gamit ang isang screw driver ng kanyang katrabaho matapos ang mainitang pagtatalo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Joel Rey Bacog ng Pulo, San Rafael, Baliwag, Bulacan na kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center matapos na magtamo ng mga saksak dibdib at sa ibat’ ibang bahagi ng katawan.

Ayon kila Malabon City police homicide investigators PO2 Junny Delgado at PO2 Rockymar Binayug, pasado alas- 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Marcelo Compound, Gov. Pascual, Barangay Potrero ng nasabing lungsod.

Base sa salaysay ng mga katrabaho ng dalawa ay bigla na lamang umanong nagbulyawan ang dalawa at nagmurahan tungkol sa kanilang pasok sa trabaho.

Sa gitna nang sagutan ay bigla na lamang na bumunot ng screw driver ang suspek na si Analolia Febres saka pinagsasaksak ang biktima.Tumakas ang suspek patungo sa Gov. Pascual bitbit ang screw driver.

Agad namang nagsagawa ng follow up operation ang mga awtoridad ngunit bigo silang masakote ang suspek, sa ngayon ay kasalukuyan pa ring tinutugis si Febres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy