Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drilon, Lacson humirit ng take 3 sa vaccination hearing

0 209

Malabo pa rin ang detalye ng COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan kaya’t nanawagan si Senate Minority Leader Franklin M. Drilon nag magkaroon pa ng isang pagdinig ang Senado hinggil sa naturang usapin.

Ipinanukala ni Drilon na kailangang lang munang magsumite ng preliminary at hindi pinal na report ang Committee of the Whole na nagsagawa ng dalawang pagdinig sa vaccination plan ng gobyerno.

Sa dalawang pagdinig, iginiit nitong mas maramin pa ring mga katanungan at hindi nasagot sa naturang isyu.

“There are still a number of issues hanging. These too many unanswered questions raise grave concerns, for the survival of the country largely depends on our ability to implement a successful vaccination program against Covid-19 virus,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

Ilan sa mga hindi nasagot ng katanungan, sabi ni Drilon ay ang tungkol sa pricing, sourcing the vaccine, delivery schedule at logistic support plan.

“We did not get any definite answers to these serious questions. I believe another round of hearing is in order. I support the call of Sen. Panfilo Lacson for more hearings,” sabi ni Drilon.

“We will not get the whole picture of what lies ahead when important information is concealed from us and the public,” dagdag nito.

Ang maliwanag aniya sa nakaraang mga pagdinig ay hindi malinaw ang paghahganda ng pamahalaan para sa naturang program. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.