Una sa Balita

Drilon kay Guevarra: PAO kontrolin

0 380

HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Justice Secretary Menardo Guevarra na kontrolin ang Public Attorney’s Office (PAO) na pinamumunuan ni Persida Acosta.

Sinabi ni Drilon na bagama’t nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) ang PAO, wala namang kontrol ang kagawaran sa tanggapan ni Acosta.
“Maliban sa mga fiscal, walang control ang supervision sa PAO,” reklamo ng senador.

Aniya, kung dati ay nagbibigay lang ng legal service ang PAO, ngayon ay parang nagkaroon na rin sila ng police power.

“Kung saan-saan dinala ‘yung power niya, nagkaroon ng forensic laboratory, parang na­ging police na. Originally ang power ng PAO ay to provide legal service to the poor. Nga­yon kung saan-saan na,” diin ni Drilon sa programa ni Cely Bueno sa DWIZ.

Matatandaan na ang PAO ang siyang naghain ng kaso laban sa mga opisyal ng administrasyong Aquino matapos mamatay umano ang mga bata sa dengue nang maturukan ng Dengvaxia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy