Una sa Balita

Drew Barrymore nganga, kinilabutan sa TNT Boys

By
0 930

Napanganga ang mga judge ng international talent search na “The World’s Best” na sina Drew Barrymore, Faith Hill at RuPaul Charles sa pinakitang performance ng TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, and Kiefer Sanchez nang awitin nila ang “Listen” ni Beyonce Knowles.

Pati ang host ng TWB na si James Corden ay hindi naisara ang kanyang bibig sa husay ng trio from the Philippines.
Makikitang kinila­butan ang Hollywood actress na si Drew Barrymore nang magsanib-puwersa na ang boses ng TNT Boys.

Tulala naman ang country superstar na si Faith Hill at muntik nang malaglag sa kanyang kinauupuan si RuPaul!
Pinakita rin na super proud ang nag-represent sa Pilipinas na si Pops Fernandez na winagayway pa ang Philippine flag.

“You have some serious attitude. I mean you’re so precious and so sweet. But when you’re singing, you were in that song, you were like bam!” pagpuri ni Hill.

Sey naman ni Drew: “You know, I have a soft spot for kids. I was a kid performer, but I have kids now. This is a whole other thing. You possess a gift, you’re just that good.”

Nagbitiw naman ng kanyang famous line si RuPaul mula sa kanyang drag competition show na RuPaul’s Drag Race: “Boys I have one thing to say: ­Shantay, you stay.” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy