Una sa Balita

Dream Love

By
0 343

Ika-5 na labas

Mula sa bubungan ay tanaw nila ang buong squatter’s area at naaabot rin ng tanaw nila ang Villasol Subdivision.

“Alam mo sis, noong nililigawan ko siya at noong unang buwan namin bilang mag-on, ramdam ko ‘yung excitement, happiness, kilig, sweetness… pero ngayon parang may kakaiba eh…”

“Ano ba ‘yung mga ginagawa niya noon na hindi na niya ginagawa ngayon?”

“’Yung palagi niyang pag-reply sa text ko, ‘yung pagsagot niya sa mga tawag ko, ‘yung paglabas naming dalawa… parang lahat ‘yon ayaw na niyang gawin.”

“Kinausap mo na ba siya tungkol do’n?”

“Sa tuwing mag-a-attempt naman akong pag-usapan ang bagay na ‘yon umiiwas din siya.”

“Puwes gumawa ka ng paraan na mapag-usapan n’yo ang problema, para hindi na lumala.”

Biglang tila may kumislap sa isip ni Jake.

“Sis, ano kaya kung ikaw ang kumausap sa kanya?”

“Ha? ako? Bakit ako, baka lalo lang akong makagulo!”

“Malay mo may masabi siya sa’yo na ayaw niya sa’kin o sa ugali ko baka nahihiya lang siyang sabihin, sige na sis, gusto ko lang talagang malaman ‘yung damdamin niya, please?”

“Hay naku, kailangan ba talaga kong ma-involve sa inyo?”

“sa ayaw at sa gusto mo, involve ka sa aming dalawa dahil ikaw yata ang nag-iisang napakaganda at napakabait kong kapatid!”

“Inuto mo pa talaga ko ha!”

Sa Villasol subdivision nakatira si Candy. Plano ni Julia na daanan ito habang naglalako siya ng banana cue.

“JULIA!” tawag ni Dave na nagbibisikleta.

“Dave.”

Related Posts

“Pabili ako ng sampu!”

“Sampu talaga?”

“Oo, kasi may bisita si mama, yung mga ka-opisina niya, e pinaghahanap niya ako ng meryenda, sarado ‘yung pizza house doon kaya buti na lang nakita kita!”

“Pizza versus Banana cue, sigurado ka bang magugustuhan ng mga bisita ng mama mo ‘to?” tanong ni Julia habang isinusupot ang mga Banana cue.

“Bakit naman hindi, hindi ba ‘to masarap?”

“Syempre masarap!”

“’Yun naman pala eh, saka natikman ko na ang Banana cue mo, kaya 100% sure akong magugustuhan rin nila ‘to!”

“Ang husay mong mambola, para kang kuya ko!”

“O, etong bayad, kasing gwapo ko rin ba ang kuya mo?”

“Teka, bayad ba ‘to sa Banana cue o bayad para bolahin din kita?” nakangiting biro ni Julia.

“Pareho. Saglit lang Julia ha, ihahatid ko lang ‘to sa’min tapos sasamahan kitang maglako!”
“Ano? Pero hindi mo naman ako kailangang samahan!”

“Sige na please, pumayag ka na! gusto ko lang makakuwentuhan ka bilang bago kong kaibigan!”

Kahit hindi sumagot ang dalaga ay hinanap pa rin siya ni Dave sa pasikot-sikot ng subdivision matapos nitong maihatid sa bahay ang Banana cue.

“Anong ginagawa natin sa harap ng bahay na ‘to? May customer ka ba dito, mukhang wala namang tao?” si Dave na naka-bike pa rin. Nasa harap sila ng gate.

“Bahay ito ng gf ng kuya ko.”

“Ah, so may kailangan ka ba sa kanya?”

“Wag ka ngang tanong nang tanong diyan.”

“ATE CAND…” naudlot ang pagtawag sana ni Julia nang biglang lumabas mula sa pintuan si Candy, kasunod nitong lumabas ang isang lalaki. Mabilis na nakapagkubli sa gilid ng gate sina Julia at Dave na itinumba pa ang bike niya para hindi sila mapansin.

Hindi man nila naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa pero malinaw nilang nakita ang paghalik ng lalaki sa mismong labi ng babae bago ito tuluyang nagpaalam. (Itutuloy)