Una sa Balita

Dream Love

By
0 342

Ika-4 na labas

Habang hinahatid ni Dave ng tanaw ang dalaga ay iniisip niyang magiging kaibigan niya ito at higit pa ro’n. Sa ­unang kita pa lang kasi niya rito ay attracted na siya sa simpleng kagandahan nito. At natutuwa siya sa isiping iyon.

Pauwi na si Julia bitbit ang bilao na wala ng laman nang makasalubong niya si Carlo, ang itinuturing niyang bestfriend mula pa nung elementary.

“Uy Lia, ang ganda ng ngiti mo ah?”

Si Carlo lang ang tumatawag sa kanya ng Lia.

“Obvious ba? Nakaubos ako ng paninda kaya dapat lang na mag-smile.”

“E ‘di Congrats!   hindi mo na idinaan ang paninda mo kina Ka Iska?”

“Siyempre, ubos na nga diba?”

“So puwede mo na’kong ilibre ng fishball niyan?” hirit ni Carlo.

“Fishball ka diyan, may pinag-iipunan po ako, kaya next time na lang!”

“Naku naman anong taon ba ‘yang next time na sinasabi mo?”

“Teka, saan ba ang lakad mo at nakapang-alis ka yata?”

“Kadarating ko lang, nagpunta ako sa agency, as usual, waiting pa’ko.”

“Talagang pursigido kang makaalis ng bansa ano?”

“Nagdaalawang isip nga ako kasi maiiwan kita bestfriend, pero kapag naiisip ko naman na mapapaginhawa ko ang buhay nina nanay at tatay, nabubuhay ang pag-asa kong makakapagtrabaho ako sa ibang bansa at matutupad ko ang pangarap kong matulungan sila.”

Related Posts

“Kung gano’n, susuportahan kita sa pangarap mo, hindi man pinansyal pero bilang kaibigan nandito lang ako palagi para sa’yo.”

“Asus, dramahan ba’ko dito sa daan!”

“Ikaw kaya ang unang nag-drama diyan!”

Katulad ni Carlo na umaasang makakapagtrabaho sa ibang bansa, katulad ni Dave na umaasang magiging isang artista, umaasa rin si Julia sa pangarap niyang matatapos ang gusto niyang kurso at mabibigyan niya ng magandang buhay ang nanay, lola at kuya niya.

Gabi. Mula sa pagwe-welding sa kumpanyang pinapasukan ay ibinagsak ni Jake ang katawan sa sofa nila. Na­patingin sa kanya si Julia na nagluluto sa kusina.

“Kuya, gutom ka na ba? sandali na lang at maluluto na ‘tong ginisang ampalaya ko.”
“Bitter na nga ako pakakainin mo pa’ko ng ampalaya?”

Natigilan si Julia. “B-bitter? Nag-away na naman ba kayo?”

“Na naman? Hindi naman kami nag-aaway eh, mas mabuti pa nga sana kung nag-aaway talaga kami, pero hindi e, basta cold lang siya sa’kin.”

Nilapitan ni Aling Osang si Julia at binulungan.

“Ako na ang magpapatuloy ng niluluto mo, baka gusto ng kuya mo ng kausap.”

Tinanggal ni Jake ang sapatos sa paa. Inabot sa kanya ni Julia ang stepin niya.

“Kuya, usap tayo.”

“Ano naman ang pag-uusapan ­natin?”

“Tungkol sa’yo, sa inyo ni Candy.”

Hindi sumagot si Jake pero tinungo nito ang lugar sa bahay na iyon kung saan sila tumatambay ng kapatid. Sumunod si Julia. Pumasok sila sa iisang silid na may dalawang double deck na tinutulugan nilang pamilya at humakbang sa mala­king bintana para makaupo sa bubungan.  (Itutuloy)