Una sa Balita

Dream Love

By
0 343

(Huling labas)

“Kumapit kang mabuti tatakbuhan natin sila.”

“No, hindi na tayo tatakbo, sagutin mo na ang mga tanong nila.” Bulong din ng dalaga.

Dahil pinayagan ni Julia ay isa-isang sinagot ni Dave ang mga katanungan ng mga press.

“Opo, siya si Julia, ang babaeng pinakamamahal ko… I think pwede naman po akong bumalik sa showbiz kung may maganda pong offer, tamang project po…”

“Bakit ang tagal mong nawala, saan ka nag-stay?”

“Nagbakasyon lang po sa Singapore.”

Marami pang tanong ang mga press na sinagot ni Dave.

Sa bahay nila Julia sila tumuloy. Sa muling pagkakataon ay nakaharap ni Dave ang pamilya ng dalaga. Magkakaharap sila sa pagkain.

“Masaya kami para sa inyong dalawa.” Si Aling Osang.

“Anong plano nyo ngayon?” tanong naman ni Jake.

“Plano naming magpakasal!” mabilis na sagot ni Dave.

“Kasal? Hindi pa natin pinag-uusapan ‘yan!” bawi naman ni Julia sa sinabi ng binata.

“Kung makakalusot lang naman, hehe!” sabay kamot ni Dave sa ulo.

“Nay, kuya, lola, ang totoo po niyan, sa ngayon po na okay na ang relationship namin ni Dave, gusto muna po naming i-enjoy ‘yon, kung magkakaroon man po kami ng plano tungkol sa kasal, sigurado pong malalaman nyo rin agad!” nakangi­ting sabi ng dalaga.

“E kung nagmamahalan bakit hindi magpa­kasal, hay, ang pag-ibig nga naman!” singit ni lola Bettina na naglipat ang tingin kina Julia at Dave.

Naupo si Julia sa hagdanang nakaharap sa gate nila. Tinabihan siya ni Dave na may hawak na isang stick ng Bananacue.

“Julia, okay na naman ang restaurant n’yo, nakatapos na rin ako ng culinary at meron naman akong ipon… at isang taon na lang matatapos mo na rin ang HRM mo, tingin ko pwede na naman tayong mag-settle down ‘diba?”

“Nagmamadali ka ba?”

“Hindi naman, excited lang na maihatid ka sa altar!”

“Talaga? so ito na ba ‘yung simple proposal mo? May ring ka ba?”

Related Posts

Agad dinukot ni Dave sa bulsa ang singsing na nasa maliit na box. Nagulat si Julia.

“Ready ka talaga?”

“I’m always ready for you!”

“Ang daya mo ha!”

“O sige ganito na lang, salitan tayo nang kagat dito sa Bananacue, kapag ikaw ang huling kagat hindi muna tayo magpapakasal, pero kapag ako ang huling kagat magpapakasal na tayo!”

“Gano’n?… sige na nga, sino ang unang ­kakagat?”

“Sige mauna ka na, ladies first!”

“Madaya, nakagatan mo na’to kanina eh!”

“Okay lang ‘yon!”

Nagsimulang magkagatan ang dalawa. Hanggang sa paliit nang paliit ang Bananacue. Medyo malaki pa pero nilakihan ni Dave ang kagat para siya ang manalo.
“Yehey! Wala ka ng kakagatin!” sigaw nito.

“Ang daya mo eh, nilakihan mo ang kagat para maubos na!”

“Syempre diskarte lang ‘yan! So pa’no, isusuot ko na itong singsing sa’yo ha!”

“Ano pa bang magagawa ko, talo ako eh!”

Hindi naman labag sa kalooban ni Julia ang pagpayag dahil gusto rin naman niya ang idea na ‘yon, nagpakipot lang siya ng konti. Habang isinusuot ni Dave sa daliri niya ang singsing ay parang lumulutang ang pakiramdam niya.

Masayang-masaya siya at sana’y wala ng katapusan ang saya na ‘yon. Sana palagi silang ganito. Simpleng mundo at simpleng pagmamahalan.

“I love you Julia, and I will always love you for the rest of my life…”

“I love you too Dave, forever and ever more…”

Isang matamis na halik ang nag-sealed sa pagmamahalang iyon nina Dave at Julia.

Mula sa bintana ay nakatanaw si lola Bettina sa malayo at sige ang paypay.

“Hay, ang pag-ibig nga naman…”

Sabay na tumingala sa kanya ang dalawa.

“LOL!” (Wakas)