Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-3 na labas

“M-miss, teka!”

Binilisan ni Julia ang paglalakad bitbit ang bilao ng banana cue.

“MISS!”

Napilitang huminto ang dalaga.

“B-bakit ba?”

“Ibabalik ko sa’yo ang tanong mo, bakit ka ba umiiwas?”

“U-umiiwas? Kanino naman?”

“Sa akin! Nung nakita kitang nakasilip sa gate namin, tinawag kita pero tumakbo ka, tapos ngayon pinahabol mo pa ko hihinto ka rin pala.”

“P-pasensya na, nahihiya lang kasi ako… h-hindi ko naman sinasadya na makita ka sa pag-e-emote mo noon… sorry kung naistorbo kita, pero ‘wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat. Magiging okay din kayo ng gf mo…”

“Gf?”

“Oo, diba sabi mo nga… n-nakalimutan ko na yung eksaktong sinabi mo, pero sa pagkakaintindi ko parang may ginawa ‘yung gf mo na hindi mo nagustuhan… tapos gusto mo pa rin na mahalin ka niya…” napahinto sa pagsasalita si Julia nang humagalpak ng tawa si Dave.

“Anong nakakatawa?”

“E pa’no, kasi…” hindi maituluy-tuloy ni Dave ang sasabihin dahil sa kakatawa.

Pumormal ang mukha ni Julia kaya napilitan ang binata na pigilan ang tawa niya.

“Sorry, sorry kung napaniwala kita sa acting ko, kasi ang totoo part lang ‘yung ng script na kinakabisa ko para sa talent na ipapakita ko sa audition…”

Related Posts

“Audition?”

“Oo, pero mukhang sa’yo lang naging effective ang talent ko sa pag-arte, kasi hindi iyon nakapasa sa mga nagpa-audition.”

Ang inis na saglit na naramdaman sa binata ay agad napalitan ng awa.
“G-gusto mong mag-artista?”

“Yup. By the way I’m Dave, David Castillo. Bagong lipat lang kami dito.” Sabay abot ng kamay ni Dave sa dalaga.

“Julia Reyes.” Pagpapakilala naman ni Julia sa sarili na tinanggap ang pakikipagkamay ng binata.

“Teka, tagarito ka rin ba sa Villasol?”

“Oo, pero sa labas ng subdivision, sa Villasol east kami.”

Tinawag na Villasol east ang squatter’s area  nila dahil nasa bandang east ito ng Villasol subdivision.

“Ah, pero madalas kang maglako rito?”

“Oo.”

Sinabayan ni Dave sa paglalakad ang dalaga habang patuloy sa pakikipagkuwentuhan dito.

Bumili pa siya ng isang banana cue. Hanggang sa makarating sa bahay nila.

“O pa’no Julia, nice meeting you, hanggang dito na lang ako.”

“S-sige…”

Habang naglalakad palayo ay nakaramdam ng kakaibang saya si Julia sa pagkakaroon ng bagong kakilala sa lugar na iyon.

Parehas lang sila ng nararamdaman ni Dave na masaya sa pagkakakilala nila. (Itutuloy)