Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-29 na labas

Mga titig na nag-uumapaw sa paghanga at pagmamahal.

“Dave, ‘wag mo nga akong tinitingnan ng ganyan, tumayo ka na, bakit ka ba naglalakad, hindi mo pa kaya!”

“Naiinip na kasi ako, ang tagal ko nang nagtiis sa wheelchair…gusto ko nang makalakad ulit para makapamasyal tayong dalawa, makapunta kahit saan…”

“Wag kang magmadali, darating din tayo diyan…”

Inalalayan ni Julia si Dave na makatayo. Inakay niya ito pabalik sa kuwarto.

“Magpahinga ka na ha.” ani Julia habang inaalalayan pa sa paghiga sa kama ang binata.

“Magpahinga? Nakakatawa naman, parang wala naman akong ginawa maghapon kundi maupo sa wheelchair.”

“Kahit ano pang sabihin mo kailangan mo ng matulog, sige goodnight na!”

Patalikod na sana si Julia nang hawakan ni Dave ang kamay niya.

“Julia, pwede bang dito ka muna?”

“Ha? e…baka magising si Aunt Paloma, baka kung ano pang isipin niya kapag nalaman niyang nandito ako sa kuwarto mo.”

“Ano bang iisipin niya, saka mahimbing matulog ‘yon, sige na please? Na-miss talaga kita ng sobra eh!” hindi binibitawan ni Dave ang kamay ni Julia kaya napilitan ang huli na maupo sa gilid ng kama.

“Julia, napakasaya ko ngayon, hindi ko maipaliwanag…” umusod pa ang binata sa tabi ng dalaga.

“Ako rin…pero alam mo nanghihinayang ako eh…sa mga oras na sinayang ko dahil lang sa takot kong masaktan…hindi ko kasi agad naintindihan na ganito pala kasarap ang magmahal…”

“Pareho lang tayo na nanghihinayang sa mga pagkakataong nawala, pero at least nalagpasan na natin ‘yon,magkasama na tayo ngayon at sa marami pang bukas…”

Related Posts

Muling tinitigan ni Dave si Julia. Hindi naiwasan ng dalaga na mapatitig din. Habang nagsusukatan ng damdamin ang kanilang paningin ay nag-uunahan naman sa pagpintig ang kanilang mga puso. Habang unti-unti inilalapit ni Dave ang labi niya sa labi ng dalaga ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib nito.

Wala pa kasing labi ang nakakasayad sa mga labi ni Julia kaya naman ganoon na lang ang kaba niya nang lumapat ang mga labi ni Dave sa kanya.

Napapikit siya. Dinadama ang tamis ng unang halik.Hinahayaang lumipad ang damdamin sa lawak na kayang abutin nito. Buong pusong niyakap ang kaganapan ng isang pag-ibig.

Ipinaubaya niya ang sarili sa tanging lalaking umangkin sa kanyang puso. Nagpatangay siya sa pintig ng puso na tila musika sa kanilang pandinig. Musikang sinasaliwan ng pagmamahal. Kaya naman ang pagkababaeng iningatan ay naisuko na lang sa hindi inaasahang pagkakataon.

Matapos ang maaalab na sandali ay hindi napigilan ni Julia ang mapaluha. Pinahid ni Dave ang luha niya habang magkatabi silang nakasandal sa ulunan ng kama.

“Julia, I’m sorry…”

“Para sa’n?”

“Sorry kasi…alam kong hindi pa dapat, pero handa naman akong pakasalan ka anumang oras at kahit saang simbahan!”

“Sige, gawin mo ‘yan, pero gusto ko yung simpleng proposal lang ha, at simpleng kasal.” Nakangiti ng sabi ng dalaga.

Sa halip na sumagot ay inakbayan ni Dave ang dalaga at kinabig palapit sa kanya.

Matapos ang ilang buwang pagpupursige sa wakas ay nadiretso na ni Dave ang lakad niya.

Kaya naman sobra ang naging pasasalamat nila kay Aunt Paloma at nangakong dadalawin pa rin ito kahit makabalik na sila sa Pilipinas. Pero bago sila umuwi ng Pinas ay nilibot muna nila ang magagandang lugar sa Singapore kasama sina Carlo at Alma na nagkakamabutihan na rin.

Pagdating pa lang sa airport ng Pilipinas ay may mga reporters na naka-recognize kay Dave kaya naman nilapitan sila ng mga ito at pilit ini-interview.

“David Josh, kumusta ka na? Siya na ba ‘yung Banana cue girl na binanggit mo noon sa t.v.?” tanong ng isang reporter.

“Pwede ba naming malaman kung ano ng status nyo ngayon?” tanong naman ng isa pa.
“May balak ka pa bang bumalik sa showbiz?”

Tumingin si Dave kay Julia at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito saka binulungan. (Itutuloy)