Una sa Balita

Dream Love

By
0 344

Ika-27 na labas

Agad pinuntahan ni Julia ang address ni Dave sa Makati. Nahirapan siyang pumasok dahil mahigpit sa subdivision na ‘yon. Napagbigyan din naman siya ng guard at pinaiwan na lang ang I.D niya.

Pero tanging katulong lang ang humarap sa kanya. Maging ang mga magulang ni Dave ay wala rin doon at nasa kanya-kanyang business trip.

Wala rin siyang nakuhang impormasyon sa kinaroroonan ng binata. Ilang ulit din siyang nagpabalik-balik sa subdivision sa pagbabakasakali. Ilang beses din niyang kinontak si Carlo para hanapin doon ang binata pero bigo pa rin siya.

Muling lumipas ang dalawang taon na hindi nagkrus ang landas nila ni Dave. Habang ipinagpapatuloy ang pag-aaral ay nag-open ng isang maliit na restaurant si Julia katuwang ang kuya Jake niya. Nakalipat na rin sila ng bahay sa Villasol subdivision kung saan sila nagkakilala ni Dave.

Marami ang nanligaw sa kanya pero tulad ng dati, wala isa man sa kanila ang muling makapagpatibok ng puso niya. Si Dave na nga yata ang first and true love niya. Dahil sa pagkawala ni Dave, mukhang destiny na talaga niya ang tumandang dalaga.

Patulog na si Julia nang makatanggap siya ng long distance mula kay Carlo.

“Bestfriend may lead na’ko kung saan siya matatagpuan!”

“T-talaga, saan?” nabuhayan ng loob si Julia sa narinig.

“Yung bago ko kasing katrabaho rito sa restaurant na si Alma, Pilipino rin, nalaman niya na may hina­hanap akong tao, tapos nabanggit niya na ‘yung aunty niya ay may kinukupkop na isang lalaki, two years ago na, natagpuan daw itong duguan at walang malay sa isang kalye, nalumpo raw ang lalaki, hindi ko pa nakukumpirma kung ito nga si Dave, Dave daw kasi ang pangalan eh, pero balak kong puntahan mamaya pag labas ko sa work.”

“G-ganon ba? bestfriend tawagan mo agad ako mamaya kapag napuntahan mo na siya ha!”
“Oo sige, napatawag nga agad ako sa’yo sa sobrang excited kong ibalita sa’yo.”
“Sige, salamat.”

Napuno ng kaba ang dibdib ni Julia. Kung totoo ngang ito si Dave, ano kaya ang nangyari sa kanya? At kung nalumpo nga ito, baka ito ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang naglaho…

Hindi natutulog si Julia hangga’t hindi ulit tumatawag si Carlo. Nangako kasi ito na pupuntahan ang sinasabing Dave nu’ng katrabaho para makumpirma kung si Dave nga ito.
Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang mag-ring ang cellphone.

“Hello Carlo? Ano na?”

“Positive at negative!”

“Ha? anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ng dalaga.

“Positive dahil si Dave nga ‘yon, pero negative dahil ayaw niyang tumanggap ng bisita, hindi ko tuloy siya makausap!”

Natigilan si Julia.

“Hello bestfriend? Lia, nandiyan ka pa ba?”

“O-oo…”

“So anong balak mo, babalik ka ba rito sa ­Sinagpore? Pupuntahan mo ba siya?”

“Nay, kailangan ko po siyang puntahan, baka kailangan niya ang tulong ko…” si Julia habang kumakain sila ng almusal.

“Ikaw ang bahala, pero mag-iingat ka.”

Hindi umiimik si Jake.

“Kuya?” baling sa kanya ni Julia na waring humihingi ng opinyon.

“Hindi ako hahadlang sa gusto mong mangyari, kung anuman ang kahinatnan niyan nandito lang naman kami palagi… ako na muna ang bahala sa restaurant.”

Related Posts

Tumayo si Julia at yumakap sa kuya niya.

“Thank you kuya, the best ka talaga!”

Nilapitan din niya ang ina at niyakap ito.

“Thank you din nay!”

“Hay, ang pag-ibig nga naman…” singit ni lola Bettina na kauupo lang sa hapag kainan.
Singapore.

Sinamahan ni Carlo si Julia sa aunty ng katrabaho nito.

“Hello I’m Julia Reyes po.”

“Hi! Just call me aunt Paloma. Nice to meet you, naikuwento ka nga sa’kin nitong si Carlo nang sinamahan siya rito ng pamangkin kong si Alma.” Nakipagkamay ang babaeng edad 60.

Pinatuloy ng babae ang mga bisita at pinaupo sa sofa. Umikot ang paningin ni Julia sa paligid ng bahay. May karangyaan ang mga furnitures at halatang masinop sa buhay ang may-ari ng bahay.

“Julia, hija, nandoon siya sa basement, nandoon kasi ang mga paintings. Gusto mo na ba siyang puntahan?”

“P-pwede ko muna po bang malaman kung anong nangyari, kung pa’no nyo po siya natagpuan?”

“Kagagaling ko lang no’n sa prayer meeting namin, nakita ko siyang duguan sa kalye at walang malay. Dinala ko siya sa ospital at doon ko nalaman na pansamantala siyang hindi makakalakad dahil sa pinsala niya sa kaliwang binti.

Ang sabi niya may grupo raw kasi ng mga kalalakihan na nakita niyang nambabastos ng isang babae, tutulungan niya sana pero naunahan siya at pinagtulungan ng grupong ‘yon.”

“Gano’n po ba… e, ang mga magulang niya po, alam po ba nila?”

“Oo, actually dinadalaw nila dito si Dave once a month, pero hindi nila makumbinsi si Dave na umuwi ng Pilipinas hangga’t hindi pa siya nakakalakad ulit…kaya sinusuportahan na lang nila ang therapy ni Dave…ako naman, syempre willing din akong tumulong bilang kapwa Pilipino at kapwa tao kaya hinahayaan ko lang siya na manatili sa bahay ko hanggang kelan niya gusto… iyon nga lang, hindi siya willing humarap sa bisita maliban sa mga parents niya.”

“Ang ibig pong sabihin wala pa pong ibang nakakaalam ng kalagayan niya maliban sa mga magulang niya?”

“Oo, dati  siyang artista diba? at kahit hindi na siya active, ayaw pa rin niyang makarating kaninuman sa taga-showbiz ang nangyari. Gusto na raw kasi niya ng tahimik na mundo.”
Tumango-tango si Julia.

“Aunt Paloma, salamat po at pinatuloy n’yo ako rito, sana kausapin niya ko…”

“Kakausapin ka niya, natitiyak ko ‘yon…” hina­wakan ng matandang babae ang kamay ng dalaga para bigyan ito ng lakas ng loob.

Habang bumababa sa basement ay balot ng kaba si Julia. Maingat ang mga paghakbang niya. Pabilis nang pabilis ang pintig ng kanyang puso… sabik na sabik na muling makita ang lalaking nilalaman nito.

Nakaupo sa wheelchair at nakatalikod si Dave. Nakaharap sa isang particular na painting. Hindi inaasahan ni Julia na siya ang masosorpresa sa makikita. Siya mismo, ang mukha niya ang nasa painting!

Naramdaman na ni Dave ang tao sa likuran  niya kaya unti-unti siyang lumingon. Nanlaki ang mga mata nang makita ang dalaga na nakatayo sa harapan niya.

“JULIA!”

“DAVE!”

Nilapitan ng dalaga ang binata at agad yumakap dito. Isang yakap na dama ang pananabik sa isa’t isa. Isang yakap na puno ng pagmamahal na matagal iningatan sa puso.

“J-Julia, anong ginagawa mo rito?”

“Ikaw, anong ginagawa mo rito, bakit ka nagtatago sa mundo?” umiiyak na sabi ng dalaga. (Itutuloy)