Una sa Balita

Dream Love

By
0 342

Ika-26 na labas

“Kuya, tingin mo ba kailangan kong bumalik sa Singapore para hanapin si Dave?” tanong ng dalaga sa kuya niya habang magkasabay silang nagkakape.

“Hanapin? Hindi mo gagawin ‘yan, diba sinabi na sa kanya ni Carlo na bumalik ka na rito? Nasa sa kanya na ‘yon kung babalik siya agad-agad ng Pilipinas o baka naman sinulit niya ang muna ang bakasyon do’n, saka papasok ka ng HRM sa pasukan, mas kailangan mong pagtuunan ng pansin ‘yon!

Abante Hiring – IT dep

“E kuya, do’n sa sinabi mo sa’kin  tungkol kay Melody, totoo ba ‘yon?”

“Nabasa ko lang ‘yon sa isang tabloid dati na gawa-gawa lang daw ni Melody ang sakit niya para mabaling sa kanya ang atensyon ni Dave, pero hindi naman nakumpirma ‘yon eh, ang balita ko nasa America na ngayon ‘yon.”

Natahimik si Julia. Kailangan talaga nilang magkita ni Dave. Gusto niya itong makausap tungkol sa mga bagay na dapat ay dati pa nilang napag-usapan. Kung alam lang sana niya kung saan lumipat sina Dave sana ay napuntahan na niya ito.

Dahil hindi na active si Dave sa showbiz ay wala siyang naririnig na balita tungkol dito. Hindi rin active­ ang mga account nito sa social media. Pero nang mag-open ng fb niya si Julia ay nakita niya ang mga huling message sa kanya ng binata. Matagal rin kasi siyang hindi nag-online.

“I will find you Julia, whatever happens…” meron ding “Yes, I found her!” na naka-post sa timeline at I.G, nito.

“Pero nasa’n ka na ba ngayon Dave?…” bulong ni Julia sa sarili habang nasa harap ng computer sa isang internet shop.

Paglabas ni Julia sa internet shop ay may dalawang teenager na magkaangkas sa bike ang dumaan sa harapan niya. Naalala niya sila ni Dave. Kung hindi siya naduwag dati sa tawag ng pag-ibig, ano na kaya sila ngayon, baka masaya na sila pareho at hindi naghahanapan…

pero hindi lang naman pag-ibig ang kinatakutan niya kun’di ­maging ang mundo ni Dave, ang mundo ng showbiz na pinasok nito… showbiz? Biglang may pumasok sa isip ng dalaga.

“Si Madam Buddy, ‘yung dati niyang manager, tama! Baka may alam siya! Baka alam niya kung saan ang bahay nila Dave o baka alam din niya kung nasaan na ito ngayon, kung nakabalik na ba ito mula sa Singapore.

Related Posts

Pinuntahan ni Julia ang office ni Madam Buddy. Nagulat ito nang makita siya.

“Julia! Julia Reyes! Ang tindera ng Bananacue?”

“O-opo, ako nga po.”

“In fairness, lalo ka palang gumanda, but anyways, what can I do for you, gusto mo rin bang i-handle kita?” ani Buddy habang iniikutan at sinisipat ang dalaga.

“H-ho? E hindi po… g-gusto ko lang po sanang magtanong tungkol kay Dave…”

“Hija, sana sa police station ka nagpunta, baka matulungan ka nila.” biro ng bading.

“Please po Madam, gusto ko lang po malaman kung saan sila nakatira ngayon.”

Naupo sa table niya si Buddy at serysong ­humarap sa dalaga.

“Alam mo, mula nang magpahinga si Dave sa industriya, naputol na ang communication namin, tinatawagan ko siya para sa proyektong magpapabalik sigla sa career niya pero ang hirap talaga niyang ispelengin, priority niya ang puso niya.”

Hindi kumibo si Julia.

“Well, sige na nga, ibibigay ko na sa’yo ‘yung huling address niya na nalaman ko, pero just in case na magbago ang isip mo at gusto mong subukan ang showbiz, eto ang calling card ko or better visits me here na lang!”

Nakangiting tumango ang dalaga.

“Salamat po Madam…” (Itutuloy)