Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-25 na labas

Mabilis na lumipad patungong Singapore si Dave. Excited siyang mu­ling makita ang dalaga.

Umaasa siya na wala pang nagmamay-ari ng puso nito. Dumiretso na siya sa mismong restaurant na pinagtatrabahuhan nito.

Abante Hiring – IT dep

“CARLO!” nakangiti niyang nilapitan ang nabiglang binata nang ­makita siya.

“Dave, anong ginagawa mo rito?”

“I’m here for Julia, nasa’n siya?”

Hindi agad nakasagot si Carlo.

“Carlo, nasaan si Julia? Busy ba siya o nakauwi na ba siya?”

“O-oo… nakauwi na siya…”

“Gano’n ba, sayang naman sosorpresahin ko pa naman siya, Carlo pwede bang magtanong?”

“Nagtanong ka na nga eh…”

“Hindi na kasi ako makapaghintay malaman kung… kung  may boyfriend na siya?”
“Wala… pero wala na siya dito…” mabilis na sagot ni Carlo.

“Yes!”

“Ang sabi ko wala na siya dito, yes ka pa?”

“Okay lang, pupuntahan ko na lang siya sa tinutuluyan niya, binigay ­naman sa’kin ni kuya Jake ‘yung address e”.

“Dave hindi mo ko naiintindihan, ang sabi ko wala na siya dito, ­umuwi na siya!”

“Umuwi?”

“Oo umuwi na sa Pilipinas!”

“Ginu-goodtime mo lang ako diba?”

“Wala akong panahong i-goodtime ka, nag-resign na siya, ang sabi niya sapat na ang naipon niya para makapag-aral siya ng college sa’tin kahit two years course, mas gusto niyang mamuhay kasama ang pamilya niya kaya nagmamadali siyang makauwi kahit mas magiging mabuti sa kanya ang manatili pa dito.”

Hindi makapaniwala si Dave. Parang ayaw talaga silang pagtagpuin…pinaglalaruan ba sila ng tadhana?

“Julia?” nagulat si Aling Osang nang makita sa pintuan ang anak.

Related Posts

“NAY!” yumakap agad ang dalaga sa ina. Pagkatapos ay nagmano sa lola niya.

“Si kuya nay?”

“N-nasa trabaho pa, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka, sana sinundo ka namin sa airport!”

“Gusto ko lang po talagang sorpresahin kayo!”

“Julia anak, nagkita ba kayo?”

“Kami? nino po ‘nay?”

“S-si Dave…”

“Si Dave?”

Kinuwento ni Aling Osang ang naging pagbisita ni Dave sa kanila. ­Hindi makapaniwala si Julia.

Nang gabi ring iyon ay nakatanggap siya ng long distance mula kay Carlo.

“Nagpunta siya rito bestfriend, hinahanap ka niya!”

“Nasaan na siya ngayon?”

“Hindi ko alam, basta pagkatapos naming mag-usap umalis na siya, e hindi ko na natanong kung saan siya tutuloy dito sa Singapore, hindi naman siya nag-iwan ng contact number.”

“Okay sige, pagpumunta siya ulit diyan, ikaw na ang bahalang…”

“Wait, wait, wait tingin ko hindi na siya babalik rito, kasi sinabi ko na sa kanya na nakabalik ka na sa Pilipinas.”

Gabi.

Hindi makatulog si Julia. Iniisip niya si Dave. Hindi siya makapaniwalang hahanapin pa rin siya nito. Ano na kaya ang susunod na mangyayari? Anong sasabihin niya kapag nagkita ulit sila? Parang bumalik sa dati ang lahat… bumalik ang kaba… bumalik din ang mga pangamba… ­handa na ba siya? Ano bang dapat na unang lumabas sa bibig niya kapag nakaharap na niya ulit ang binata?

“Kumusta ka?…” pagkatapos ano?

Nagpabiling-biling pa sa higaan si Julia bago siya tuluyang inantok.

Inaasahan ni Julia na isang araw ay kakatok sa pintuan nila si Dave dahil nabigo itong makita siya sa Singapore.

Kaya naman inihanda na niya ang sraili sa posibilidad ng muli nilang pagkikita. Mahal pa rin niya ang binata kaya na-eexcite rin siyang makita ito. Bahala na kung paano niya ito haharapin. Pero lumipas na ang ilang linggo na ni anino nito ay hindi nagpakita.

Nagsimulang mag-alala si Julia nang lumipas ang buwan na wala siyang nabalitaang anuman tungkol kay Dave. (Itutuloy)