Una sa Balita

Dream Love

By
0 342

Ika-24 na labas

“Ano bang pinagsasasabi mo?”

“Ang sinasabi ko lang, minsan subukan mo rin pakinggan ang sinasabi ng puso mo, pero sa ngayon focus na muna sa work, tinitingnan na tayo ni boss”. Pabulong na sabi ni Carlo.

Dinala na ni Julia ang order sa mag-asawang matanda na nasa table for two. Napansin niya na parehong nakasuot pa ng wedding ring ang dalawa. Habang kumukuha ng iba pang order ay palihim na inoobserbahan ng dalaga ang matandang couple.

Sweet na sweet pa rin ang mga ito. Sinusubuan pa ng matandang babae ang asawa niya, habang pinunasan naman ng matandang lalaki ng tissue ang sarsa na naiwan sa bibig ng babae.

Ganito ang dream love niya… ‘yung hanggang sa pagtanda ay hindi nawawala ang pagmamahal sa isa’t isa… magkasama, magkaramay sa lahat ng bagay, puno ng pagmamahalan… walang makakahadlang hanggang sa kamatayan…

Nasa isip pa rin niya si Dave. Ini-imagine na silang dalawa ni Dave ang dalawang matandang iyon.

Para kahit papa’no ay mapawi ang sakit na nararamdaman ay sinubukan ni Dave na ibaling ang atensyon sa culinary. Pero natapos na’t lahat siya rito ay nanatili pa ring talunan ang pakiramdam niya. Walang ibang babae ang makakuha ng atensyon niya. Walang ibang babae ang makapalit kay Julia sa puso niya. Hindi pa sapat ang dalawang taon para makalimutan niya ang babaeng nagpatibok sa puso niya at hindi na niya kakayanin  ang mga taon pang darating na hindi kasama ang dalaga.

“Dave!” nagulat si Jake nang mabungaran si Dave sa pintuan.

“Kuya Jake… makikiusap lang sana ko…”

Related Posts

Sumilip sa labas si Jake, hindi siya nagkamali, may mga taong nakasunod kay Dave na ang iba ay mga tagahanga pa rin maski wala na siya sa showbiz­ at ang iba naman ay mga nag-uusyoso lang. ­Pinapasok ni Jake ang binata.

“Anong kailangan mo Dave?”

“Si Julia, baka naman pwede mo ng sabihin sa’kin kung saan sa Singapore siya nagtatrabaho?”

“Dave hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sumusuko? okay na si Julia ro’n, baka nga may boyfriend na siya, bakit hindi ka na lang maghanap ng iba?”

“Sana nga gano’n kadali, pero siya ang true love ko, hindi ko siya makalimutan… ginawa ko na ang lahat para subukang kalimutan siya, kaya lang hindi ko mapigilan ang puso ko na umasa pa rin sa kanya…”

“Makakalimutan mo rin siya, si Candy rin ang true love ko, pero nagawa ko siyang kalimutan.”

“Iba si Candy at iba si Julia, iba ka at iba rin ako… alam ko mahal rin ako ni Julia, natakot lang siyang mahalin ako, natakot lang siyang magmahal at masaktan, pero handa kong patunayan ang pag-ibig ko sa kanya kahit saan pa kami makarating, kaya please sabihin mo na sa’kin kung saan ko siya matatagpuan.”

Hindi makaimik si Jake. Kapag sinabi niya kay Dave ang kinaroroonan ni Julia para na rin niyang tinraydor ang kapatid niya. Pero kapag hindi naman niya sinabi kay Dave, para na rin niyang hinadlangan ang isang tunay na pag-ibig.

Nang makaalis si Dave ay nilapitan ni Aling Osang ang anak.

“Jake, okay lang ‘yon… hindi naman siguro magagalit ang kapatid mo… at saka wala pa rin naman siyang boyfriend diba? Baka sila talaga ang para sa isa’t isa.”

“Sana nga nay, kasi kung hindi, baka magalit sa’kin si Julia, binilinan niya ko na ‘wag sasabihin kay Dave ang kinaroroonan niya kung sakali man na magtanong ito… malay ko ba na after two years ay bigla na lang susulpot dito ang lalaking ‘yon!” (Itutuloy)