Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-23 na labas

“Ate, sigurado ka ba talaga na kailangan mong gawin ‘to?” tanong ni Marie na may pag-aalala.

“Yes, I really have to do this, ito lang ang naisip kong paraan para hindi mawala sa’kin si David…”

Abante Hiring – IT dep

“Pero hanggan

 kailan?”

“Hanggang tuluyang mahulog ang loob niya sa’kin… kapag nangyari ‘yon. gagaling ako at magiging masaya kaming dalawa, alam na ng mga doctor ang part nila sa mga plano ko kaya wala na kong dapat problemahin pa…”

“Pero ate, nakakasiguro ka ba na walang babaligtad sa’yo sa mga plano mo?”

“Alam mo ang dami mong pero, o baka naman ikaw ang nag-iisip na bumaligtad?”

Lingid sa magkapatid ay narinig ni Buddy ang pag-uusap nila. Nasa pintuan ito at kakatok na sana nang matigilan sa mga narinig.

“Omghindi lang pala sa teleserye, marami rin talagang baliw sa pag-ibig sa totoong buhay…nakakalurky…” sa isip ng bading habang tutop ang sariling bibig.

Parehong malapit sina David Josh at Melody kay Buddy dahil mga alaga niya ito. Pero kung naging totoo man si David sa nararamdaman niya, hindi niya hahayaang magpakabulag si Melody sa sarili nitong damdamin.Pero paano nga ba niya aayusin ang problemang ito? Hindi na ito tungkol sa career lang, personal na ito.

Nagulat ang magkapatid nang bumungad sa pintuan si Buddy.

“Madam!” si Melody.

“Melody, totoo bang lahat ang narinig ko?”

Hindi kumibo ang dalaga. Napayuko naman ang kapatid nito.

“Ibig bang sabihin niloko mo lang si David na meron kang sakit para hindi siya lumayo sa’yo? Pati ako niloko mo rin, ang mga fans nyo, lalo na ang sarili mo, dahil pinapaasa mo ang sarili mo sa isang kasinungalingan!”

“Madam… patawad po, nagawa ko lang naman ‘yon dahil…” hindi na naituloy ni Melody ang pagpapaliwanag nang bumungad din si Dave sa pintuan at maglipat ang tingin sa kanila.

“So ano, palabas lang ba lahat?”

Para silang natuklaw ng ahas na wala isa mang makaimik. Naiiling na lumabas ng silid na iyon si Dave. Sinundan siya ni Buddy.

“Dave, sandali!” habol ng manager.

“Madam, hindi ako makapaniwala, totoo bang nagawa ni Melody ang maselang bagay na ‘yon? para sa’n?”

“I’m sorry for that Dave, ako na ang bahalang umayos nito, isa lang ang ipapakiusap ko sa’yo,’wag na natin itong ipaabot sa mga press, ayokong pagpiyestahan nila kayo sa ganito kaselang bagay.”

“I just need some space.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Dave si Buddy.

Matapos ang pangyayaring ‘yon ay nabuo na ang desisyon ni Dave na magpahinga muna sa showbiz.

“Julia, buo na ba ang desisyon mo?” si Aling osang.

Magkakaharap sila sa hapunan.

“Opo nay… baka doon ko matupad ang pangarap ko na mabigyan kayo ng magandang buhay…”

“O sige, hindi kita pipigilan, kung sa tingin mo yun ang makakabuti para sa’yo…”

“Nay hindi lang po para sa’kin, para sa inyo rin…”

“Ang ibig kong sabihin, para sa puso mo… akala ko kasi bumalik ka rito para harapin siya at bigyan siya ng pagkakataon…”

“Oo nga po pero… tama si kuya Jake, mas kailangan siya ngayon ni Melody… kung magpapakita pa’ko sa kanya baka makagulo lang ako lalo sa career nila…”

Related Posts

“Hay, ang pag-ibig nga naman…” naiiling na singit ni lola Bettina habang hinihipan sa kutsara ang mainit na sabaw ng sinigang.

Nagkatinginan na lang at nagkangitian ang mag-ina gayundin si Jake.

Matapos maasikaso ang mga kailangan sa wakas ay dumating na ang araw ng paglipad ni Julia patungong Singapore. Hindi na siya nagpahatid dahil malulungkot lang siya.

Naglalakad na siya sa airport nang magkabungguan sila ni Dave. Pareho silang nagulat nang makita ang isa’t-isa.Saglit silang nagkatitigan at wala isa man sa kanila ang agad nakaimik. Makalipas ang ilang segundo ng pagkabigla…

“JULIA!”

“D-Dave!”

Agad niyakap ni Dave ang dalaga. Kapwa nila dinama ang yakap na ‘yon na matagal nilang pinanabikan.

“I miss you so much!” halos pabulong na sabi ni Dave.

Kumalas ang dalaga.

“Anong ginagawa mo rito Dave?” tanong nito.

“Inihatid ko lang si mama, may seminar kasi siya sa ibang bansa, ikaw anong ginagawa mo rito?” unti-unting bumaba ang tingin ni Dave sa maletang bitbit ng dalaga.

“Julia… aalis ka ba?”

“Oo… papunta ako ng Singapore…para doon magtrabaho…”

“Anong trabaho? Julia, please stay, mag-usap tayo!”

“Dave wala naman tayong dapat pag-usapan.”

“Marami, hindi mo ba napanood yung interview sa’kin? Hinanap kita Julia, and I’m willing to give up everything for you!”

“Wag mo nang pahirapin ang sitwasyon Dave, kailangan ka ni Melody ngayon.”

Ipapaliwanag pa sana ni Dave ang tungkol kay Melody nang marinig ng dalaga ang pagtawag sa flight niya.

“Dave kailangan ko nang umalis.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na nito ang binata.

“Julia wait! Julia! Pakinggan mo muna ko!”

Bawat hakbang ni Julia palayo ay ramdam na ramdam niya ang bigat ng damdamin. Nagpupumiglas ang puso niya na tila gustong magpaiwan para kay Dave.

Gumuho naman ang pag-asa ng binata na magkakaroon pa ng katuparan ang pag-ibig niya kay Julia nang magpatuloy sa paglakad palayo ang dalaga at ni hindi man lang ito lumingon.

Singapore. Nag-umpisa nang magtrabaho si Julia bilang waitress sa pinagtatrabahuhan rin ni Carlo.

“Bestfriend okay ka lang ba?” tanong ni Carlo nang lapitan niya ang dalaga habang hinihintay nito sa counter ang iseserve na order.

“H-ha? oo naman…”

“Alam mo nung mga unang araw ko rito, homesick na homesick rin ako… malungkot din ang mukha ko, pero yung aura mo iba eh, parang hindi lang basta homesick!”

“Naaalala ko lang si nanay, si Lola Bettina, at si kuya Jake…”

“At saka si Dave.” Dugtong ni Carlo.

Natigilan si Julia.

“Pa’no naman napasok dito si Dave?”

“Hay naku ako pa ba naman ang paglilihiman mo? Kahit nandito ako sa Singapore alam ko lahat ang nangyayari sa Pinas, buti na lang hindi ako masyadong nadevelop sa’yo, kung hindi baka sobrang sakit na ng puso ko ngayon.” (Itutuloy)