Una sa Balita

Dream Love

By
0 337

Ika-22 na labas

“O bakit parang nakakita kayo ng multo?” nakangiting bungad ng dalaga.

“Julia, dahil ba sa napanood mo kaya ka bumalik?” seryoso ang mukhang tanong ni Jake.

Abante Hiring – IT dep

“Pagod ako kuya, pwede bang magpahinga muna?”

Naiiling na tinalikuran ni Jake ang kapatid.

“Nay, ba’t ganun si kuya, ang init yata ng ulo?” ani Julia habang nagmamano sa ina.

“Nag-aalala lang kami sa’yo, dahil sa interview na ‘yon kay Dave baka puntahan ka na naman ng mga reporter dito, sana pinalipas muna ang issue…lalo na at na-ospital pala si Melody…”

“Na-ospital?”

“Oo, napanood namin sa balita…naospital siya matapos ang interview kay Dave…”

“Dahil do’n?”

“Ang sabi sa balita may malalang sakit daw ang dalaga na sinisikreto ng pamilya…kaya marami ang nag-aabang ngayon kung ano ba talaga ang sakit ni Melody…”

Nalungkot ang mukha ni Julia.

Sa office ni Buddy.

“It’s confirm DJ, may leukemia si Melody, stage 2 raw sabi ng mommy niya…nasabay pa ito sa controversial na pagtatapat mo for your own interest…lahat ng mga fans nyo ikaw ang sinisisi, kahit hindi mo kasalanan ang pagkakasakit ng ka-love team mo, naghahanap sila ng mabe-blame eh, kaya if I were you isantabi mo muna ang mga personal mong problema, kailangan mong damayan si Melody at manatili sa tabi niya kahit man lang bilang kaibigan…”

Hindi nakakibo si Dave. Alam niya na tama ang mga sinabi ng manager nila. At wala siyang choice kundi sundin ang payo nito.

“Sige po madam Buddy, malapit kong kaibigan si Melody at marami kang magandang pinagsamahan kaya gagawin ko ng bukal sa puso ko ang gusto mong mangyari…mananatili ako sa tabi niya…”

Gabi. Magkatabing nakaupo sa bubungan sina Julia at Jake.

“Nag-online ka na ba? nabasa ko sa internet yung opinion ng mga tao tungkol sa interview ni Dave…yung mga fans ng Melvid nagalit, yung mga tao naman na naniniwala sa pag-ibig nakisimpatya…” si Jake.

“Inaasahan ko na ‘yon kuya…na hindi lahat ng tao maiintindihan siya…”

“Pero alam mo kung anong nakakalungkot?…yung mga bagong balitang naglalabasan…binabantayan nila ang bawat kilos ni Dave ngayong nakumpirma na ang sakit ni Melody…”

“Kuya, mali ba’ko ng desisyon na bumalik? Mali ba ako ng desisyong pagbigyan ko na ang puso ko?”

Related Posts

“Hindi ko alam…siguro nga mali…kailangan ni Melody ngayon si Dave, kung magpapakita ka kay Dave, siguradong mahahati ang atensyon niya at ikaw na naman ang pagbubuntunan ng mga fans nila, ng mga taong makikitid ang utak…”

“Anong gagawin ko kuya?”

“Manahimik.”

“Manahimik? Iyon na ang ginawa ko sa loob ng ilang buwan na pagtatago ko kay Dave, pero hindi ako pinatahimik ng puso ko…”

Inakbayan ni Jake ang kapatid.

“I’m sorry sis, ayoko lang na masaktan ka…”

“Pero nasaktan na’ko kuya…at patuloy akong masasaktan hangga’t nandito si Dave…” sabay turo ni Julia sa puso niya.

Samantala.Nasa bintana si Dave ng kuwarto niya.Nakatingala sa mga bituin.

“Nasa’n ka na ba Julia…bakit hanggang ngayon hindi ka pa nagpapakita?…kulang pa ba ang ginawa ko? Hindi pa ba sapat na inihanda ko na ang sarili kong talikuran ang pinangarap ko para sa’yo?…”

Sa kabila ng kalungkutang nadarama, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Dave na babalik si Julia.

“Babalik siya para sa’kin…alam kong mahal niya rin ako…kaya babalik siya…”

Nakatanggap ng tawag si Julia mula kay Carlo na nasa Singapore.

“Ano kamo?” ulit na tanong ni Julia na hindi makapaniwala.

“Tama ang narinig mo bestrfriend, open sa’min ngayon para sa mga waitress kaya kung ako sa’yo ayusin mo na ang mga documents mo para mairekomenda kita sa boss ko!”

“P-pero wala pa naman akong experience sa…”

“Don’t worry, akong bahala!”

Magandang balita iyon. Pero kailangan niyang pag-isipan. Sa sandaling pumayag siya tuluyan na siyang malalayo kay Dave at hindi niya alam kung magkakaroon pa ulit siya ng pagkakataon.

“Alam kong nabibigla ka pa sa ngayon kaya bibigyan kita ng one week para pag-isipan ang offer ko, okay ba ‘yon?”

“O-okay sige…one week…thank you bestfriend…”

Sa room ni Melody sa ospital. Kausap niya ang sariling kapatid.

“O anong balita sa labas?”

“Okay naman ate…maraming nakikisimpatya sa’yo…at saka parang tunay na teleserye na sinusubaybayan nila ngayon kung anong mangyayari sa loveteam nyo ni DJ matapos niyang magtapat sa publiko tungkol sa pag-ibig niya sa tindera at matapos ang balitang may leukemia ka…” (Itutuloy)