Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-20 na labas

Nagising ang binata.

“Thank you Lord at gising ka na… kumustang pakiramdam mo?”

Abante Hiring – IT dep

“Medyo hindi pa maganda… s-si nanay?”

“Kakauwi lang niya, pinalitan ko muna… si Carlo dinaanan ka rito kanina bago ang flight niya, nag-aalala rin siya sa’yo..  aaaaaaaaaaaaaaaaaaa”

“Si Dave…”

“Si Dave? Ayun nasa private room at binabantayan ng media… at ikaw rin, maraming nag-aabang sa’yo diyan sa labas… ano ba kasing nangyari?”

Ikinuwento ni Julia kay Jake ang pangyayari.

“Julia mas mabuti siguro kung hindi ka na muna maglako ng Bananacue, manahimik ka muna sa bahay… kailangan nating palipasin ‘to kung ayaw mong may mas malala pang manyari sa’yo… ano kaya kung do’n ka muna sa probinsya natin?”

“S-sa Batangas?”

“Oo, magbabakasyon ka lang naman, siguro doon hindi ka na masusundan ni Dave…”

Hindi umimik ang dalaga. Nag-iisip.

Samantala sa room ni Dave. Ang ina at ama ang namulatan nito.

“Mabuti naman at nagkamalay ka na, my God Dave, akala ko okay ka na, akala ko pwede ka na naming ipagmalaki, but look what you’ve done, binuo mo ang pangarap mo para lang sirain at ipamukha sa amin na walang kwenta ang larangang pinasok mo!”

“Tama ang mama mo, ano bang meron ang tinderang ‘yon at hindi mo siya mapakawalan? Alam mo ba na hindi magkandatuto ang manager mo at si Melody kung paano ka nila ngayon ipagtatanggol sa mga press? Kung paano nila ipapaliwanag na naaksidente ka kasama ang isang tindera ng Bananacue? Ginayuma ka ba niya?”

“Ma, pa, please? Kung wala kayong magandang sasabihin pwede na kayong umalis at mag-concentrate na lang ulit sa mga trabaho nyo!” pagkasabi niyon ay tumalikod ng higa si Dave. Hindi ininda ang sakit ng katawan sa paggalaw niya.

Parehong galit na nagkatinginan ang mga ­magulang ni Dave.

Gusto mang makita at kumustahin ang kalagayan ng isa’t isa ay hindi magawa nina Julia at Dave dahil sa mga reporters na nakapalibot sa ospital na pinagdalhan sa kanila. Pero nagawa naman nilang mag-text at magkausap sa phone.

“Julia, I’m sorry… hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mas malala pa ang nangyari sa’yo…”

Related Posts

“Kalimutan na natin ang nangyari, at nakikiusap ako, kalimutan na natin ang isa’t isa…”
“Please, nakikiusap rin ako… hindi ko kaya…”

“Hihintayin pa ba natin na may mas malala pang mangyari Dave?”

“Pero… mahal kita… mahal na mahal kita…”

“Mahal din kita Dave…” pero hindi na iyon narinig ng binata dahil ini-off na ni Julia ang phone bago pa man niya bigkasin ang mga katagang iyon.

“Hello? Julia? Julia!”

Sa kabila ng mga naging kontrobersya ay nagawang linisin ni Buddy ang image ni Dave.

Muli niyang pinakinang ang loveteam ng Melvid. Habang si Julia naman ay lumalanghap ng sariwang hangin sa probinsya. Umaasa na malilinis ng sariwang hangin ang nagdurugong puso niya, na mapapawi nito ang kalungkutang bumabalot sa kanya.

Tuwing hapon ay pinapanood niya ang paglubog ng araw sa baybayin na malapit sa bahay ng tiyahin niya na kapatid ng kanyang ina. Dahil lumipas na ang ilang buwan na wala silang komunikasyon ni Dave ay binabalak na ng dalaga na bumalik sa Maynila.

“JULIA! JULIA!” tawag ng tiyahin na huma­hangos mula sa likuran.

Tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa buhanginan.

“Tiyang bakit po?”

“Manood ka ng t.v dali!”

Halos kaladkarin ng tiyahin si Julia maabutan lang ang nais ipapanood dito.

Si Dave na nakasalang sa isang one on one interview.

“DJ, sinasabi mo ba na gusto mo ng magpa­katotoo ngayon?” tanong ng gay na host sa isang talk show.

“Opo, gusto ko pong sabihin sa lahat ng mga taong nagtiwala sa akin, sa mga fans ko, sa mga fans ng Melvid na handa na akong aminin ang tunay na nilalaman po ng puso ko…”

Sa sariling opisina ay tarantang-taranta si Buddy.

“OMG Dave, anong ginagawa mo, i-cut n’yo ‘yan! I-cut nyo ‘yan!”

Ganoon din si Melody na nasa loob ng isang dressing room. Simangot na simangot ito.

“Okay David Josh, makikinig kami sa anumang nais mong sabihin, dahil ang pagpapakatotoo ay tanda lamang ng isang malinis na pagkatao, isang katapatangang hindi matutumbasan ng anumang kasikatan.” Anang host. (Itutuloy)