Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-19 na labas

Paggising pa lang ni Julia ay ramdam agad niya ang lungkot. Ang isipin na pinutol na niya ang ugnayan nila ni Dave ay sapat na para makadama ng labis na kalungkutan ang puso niya. Kung pwede lang ay maghapon siyang magkukulong sa loob ng kuwarto.

Pero kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang maghanapbuhay para sa pamilya niya at para sa sarili.

“Julia, totoo ba ang balita na ikaw ang apple of the eye ni David Josh?” tanong ni aling Hilda habang bumibili ito sa tindahan at nagbebenta naman ng Bananacue si Julia sa may-ari ng tindahan.

“Naku hindi po.”

“Asus, e ‘di ba nga lagi kayong magkasama ni Dave dati, naging kayo ba?”

“Kayo talaga Aling Hilda, naging kaibigan ko lang po siya.”

“Pero kahit na, napakasuwerte mo pa rin, kaya lang nabalitaan ko na lilipat na yata sila ng bahay!”

Nagulat si Julia.

“H-ho? Sino naman ho ang may sabi?”

“’Yung pinsan ko na kapitbahay nila sa subdivision, ang sabi raw nu’ng katulong eh balak ng pamilya na lumipat sa mas maganda at tahimik na subdivision.”

“G-gano’n ho ba…”

“At meron pa’kong nabalitaan!”

“Ano naman ho ‘yon?”

“Maysakit daw ngayon si DJ at nagpapagaling kaya hindi pa makapag-taping!”

Muling nagulat si Julia.

“Sinabi rin ho ng katulong?”

“Hindi, napanood ko sa t.v. ang sabi ni Melody sa show nila, get well soon DJ I miss you!” iminustra pa ni Aling Hilda kung paano maarteng binigkas ni Melody ang mga salitang iyon.

Lalong nakadama ng lungkot si Julia sa nalaman. Alam niyang hindi niya pwedeng puntahan si Dave dahil baka may makakita, hindi rin pwedeng i-text o tawagan, ayaw kasi niyang dahil sa pag-aalala niya ay hindi na niya ito magawang iwasan… siguro nga wala siyang ibang magagawa kun’di ipagdasal na lang ito.

“JULIA!”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita si Dave na humahabol sa paglalakad niya sakay ng bisikleta. Naka-shades ito at naka-hood.

“A-akala ko ba maysakit ka?”

“Alam mo na palang maysakit ako hindi mo man lang ako makumusta kahit sa text?”

“Ilang minuto pa lang mula nang malaman ko, at saka diba nag-usap na tayo Dave…”

“Oo pero pwede pa rin naman tayong maging friends diba?”

“Dave…”

Related Posts

“Julia please, hindi ko kayang mawala ka sa’kin, kahit kaibigan lang hayaan mo ng maging part pa rin ako ng buhay mo…”

“D-dave…”

Nilingon ni Dave ang direskyong tinitingnan ni Julia. Kilala ng binata ang mga ‘yon. Isang grupo ng mga reporter na laging sumusubaybay sa kanya at ngayon ay papalapit sa kanila.

“Julia, tara sakay na!”

“H-ha, pero…”

“Wala ng pero-pero, kailangan natin silang matakasan!”

Nagdalawang-isip man ay napilitan pa rin ang dalaga na muling umangkas sa bike ni Dave sa ikalawang pagkakataon.

“WOHOOO!” sigaw pa ni Dave nang makadistansya sila sa mga reporters.

“Siguradong negative write ups na naman ang mababasa ng mga fans mo niyan!”

“Okay lang ‘yon, basta kasama kita! Teka sa’n mo gustong pumunta?”

“Gusto kong umuwi, ibaba mo na lang ako sa hindi matao para walang makapansin sa’yo.”

“Pero gusto ko pang mamasyal!”

“Hindi pwede Dave, kailangan ko pang ilako ang paninda ko.”

“Papakyawin ko na lang ulit ‘yan!”

“Alam mo umeepal ka na naman eh!”

“Kahit ano pa ang itawag mo sa’kin basta sasamahan mo ako ngayon!”

“No!”

“Yes!”

“Hindi sabi eh!”

“Oo sabi eh!”

“Ihinto mo na!”

“Ayoko!”

Dahil sa pagkukulitan ay hindi napansin ng binata ang papalikong van.

“EEEEEEEEEE!” tili ni Julia na takot na takot.

Sumalpok sila sa Van.

Sa ospital na nagkamalay si Julia. May benda siya sa ulo at nakayukyok sa gilid ng higaan niya ang kuya niya.

“K-kuya Jake…” (Itutuloy)