Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-15 na labas

“Ano ka ba, pinapanood naman kita sa t.v. show mo, congrats ha, bagay kayo ni Melody…”

“Thanks, pero mas bagay tayo…”

Hindi sumagot si Julia.

“Julia I’m sorry…I’m sorry kung sa pagkakataon na’to hindi na’ko nagbibiro…I’m sorry kung mahal na kita…”

“Alam ko…hindi naman ako manhid eh…”

“Talaga? kung gano’n…may pag-asa ba’ko?”

“Dave…”

“Wait, kung positive ang sagot mo, it’s better , pero kung negative ‘wag ka na munang sumagot ngayon, hindi naman ako nagmamadali eh, pag-isipan mo munang mabuti…”

“O-okay…sige goodnight…”

Malungkot na ibinaba ni Dave ang phone. Hindi pa sumagot si Julia, ibig sabihin negative pa siya dito…

Dahil sa pagkagat ng masa sa loveteam ng Melvid ay naisipan ng network na gawan sila ng teleserye na pinamagatang IKAW PA RIN SA PUSO KO. At habang lumalawak ang mundo ni Dave sa showbiz ay lumiliit naman ang chance niya kay Julia.

“Sis, pilot episode ng teleserye ngayon ni Dave hindi ka ba manonood?” si Jake na pinuntahan sa kuwarto ang dalaga.

“Papanoorin ko na lang sa you tube, masama ang pakiramdam ko eh…”

“Okay, ako na lang ang manonood para sa’yo, uminom ka ng gamot ha. Pero kung insecurities lang ‘yan walang gamot diyan.” Biro pa ni Jake sa huli.

Tumalikod ng higa si Julia sa kuya niya.

Inis na inis si Julia sa sarili dahil sa kabila nang pagpigil niya sa puso niya na magmahal ay bakit parang nararamdaman pa rin niya ito? Bakit pakiramdam niya ay nasasaktan siya kapag nakikita niya si Dave sa t.v. na may kasamang iba…no, hindi ito pwede…hindi niya pwedeng hayaan ang sarili niya na magmahal para lang masaktan…hindi siya magiging katulad ng lola niya, ng nanay niya o ng kuya niya na puro kabiguan lang ang napala sa pag-ibig…hindi pwede…

Nang mabalitaan ni Dave na may trangkaso si Julia ay agad siyang gumawa ng way na mapuntahan ito nang walang makakakilala sa kanya. Suot ang jacket, sumbrero, wig at shade ay tahimik siyang nakarating sa bahay nito.

“S-sino ka?” gulat na tanong ni aling Osang nang pagbuksan ng pinto si Dave.

“Ako po to ‘nay, si Dave…” sabay mano ni Dave sa matanda.

“DAVE!”

Related Posts

“Ssshh!” si Dave na mismo ang nagsara ng pinto.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Nabalitaan ko po kasi kay Carlo na may trangkaso raw po si Julia. Eto po nagdala ako ng prutas…” iniabot ni Dave ang isang basket ng prutas kay Aling Osang.

“Ang pag-ibig nga naman…” si Lola Bettina na nakaupo sa sofa at nakatutok ang mga mata sa television.

Nagkatinginan sina Dave at Aling Osang.

“Dave ang mabuti pa,puntahan mo na lang siya sa kuwarto, hindi pa kasi niya kayang tumayo, nahihilo daw siya.”

Agad namang sumunod ang binata. Nadatnan nitong tinititigan ng dalaga ang larawan niya sa magazine na hawak nito kaya napangiti siya. Nabigla naman si Julia nang mapatingin sa kanya.

“Dave! Anong ginagawa mo rito?”

“Dinadalaw ka…may sakit ka raw kaya pwede ba saka mo na titigan ang picture ko diyan pag magaling ka na!” biro ng binata habang papalapit sa dalaga.

Umayos ng upo si Julia sa deck. Tinabihan siya ni Dave.

“Naiinip lang ako kaya babasahin ko sana itong magazine…”

“Denial Queen ka talaga, aminin mo na kasi na miss na miss mo na’ko!”

“Wag ka ngang assuming, pa’no ka nga pala nakarating dito, malamang pinagkaguluhan ka diyan sa labas!”

“Wala ngang pumansin sa’kin maski isa, salamat sa wig, sa sumblero at sa shades!”

“Sino namang makating dila ang naghatid sa’yo ng balita na may sakit ako?”

“Sino pa e di ang bestfriend mo na bestfriend ko na rin, si Carlo, magka-chat kasi kami kagabi.”

“Bagay kayong maging mag-bestfriend dahil pareho kayong madaldal! Wala ka bang taping ngayon?”

“Meron, pero mamaya pa naman kaya please ‘wag mo muna akong itataboy, teka uminom ka na ng gamot? May dala nga pala akong mga prutas para sa’yo, nando’n kay Nanay Osang!”

“Oo uminom na’ko, salamat sa pag-aalala mo, salamat sa prutas…”

Sinalat ni Dave ang noo at leeg ni Julia.

“Ano bang ginagawa mo?” (Itutuloy)