Una sa Balita

Dream Love

By
0 336

Ika-14 na labas

“Girlfriend ko siya, pero atin-atin lang ha!” pa­bulong na sagot ni Dave saka sinabayan ng eskapo sa mga babae.

Halos sabay-sabay na nagkunutan ang noo ng mga babae.

“DAVID JOSH IN LOVE SA BANANA CUE GIRL…hmp! Anong ibig sabihin nito David?” si Buddy na taas ang kilay habang nasa loob sila ng office niya, kapit ang isang tabloid.

“Madam…totoo po ‘yan, pero…”

“OMG Dave! Hindi pwede ito! Hindi ka pwedeng ma-inlove sa hindi mo ka-level!”

“Bakit naman po?”

“Gusto mo bang pagpiyestahan ka ng mga kritiko?”

“Pero madam, uso naman po ngayon sa showbiz ang pagpapakatotoo diba, lumang style na po ‘yung mga pa-perfect image, saka ayaw nyo po nun pagpinagpyestahan ako tungkol do’n e ‘di sisikat agad ako!”

“Hindi mo naiintindihan Dave, next week pipirma na tayo ng kontrata sa isang malaking network at sisimulan na rin ang reality t.v. show kung saan kasama ka, from there huhubugin na ang loveteam nyo ni Melody,at tatawagin kayong MELVID!”

“Madam, ang dami naman naming boys sa batch bakit ako pa ang ipapartner kay Melody?”

“Dahil ikaw ang bagay sa kanya, at napakasuwerte mo dahil ikaw ang napili! Napakagandang chance ito para sumikat ka kaya don’t ever waste it para lang sa isang tindera ng Banana cue!”

Related Posts

Hindi nakakibo si Dave. Nasasaktan siya sa mga sinabi ng manager niya kahit pa suwerte ngang maituturing ang oportunidad na inilalatag nito sa kanya ngayon. Nasasaktan siya dahil mahal na niya si Julia. At nasasaktan siya para dito.

Sa kabila nang unti-unting pag-imbulog ng career ni Dave paitaas bilang David Josh at ka-love team ng isang Melody Ibarra ay wala pa ring nakapigil sa puso niya sa patuloy na pagkahulog kay Julia Reyes.

“Anak, may pinadala na namang bulaklak si Dave,ayun oh!” si Aling Osang sabay nguso sa bulaklak na ipinatong nito sa center table nila.

Nilapitan ni Julia ang bulaklak at binasa ang card nito.

“Julia, sorry kung nabawasan na ang oras ng bonding natin, pero I’ll make sure na makakabawi ako sa ibang araw…love Dave.”

“Julia, hindi pa rin sumusuko si Dave kahit pa sumisikat na siya…kung may feelings ka o wala bakit hindi mo pa siya tapatin?”

“Hindi naman po siya nanliligaw nay eh…”

“O e ano bang tawag mo sa araw-araw niyang pagpapadala ng bulaklak, nagpapapampam?”

Hindi nakaimik si Julia. Paano naman niya sasagutin o babastedin si Dave kung hindi na naman sila nagkikita? Basta nagpapadala lang ito ng bulaklak araw-araw at tumatawag sa phone. Ayaw naman niya through phone ang…kunsabagay pwede rin naman through phone niya itong…bastedin…

“Hello?”

“Hello, kumusta ang araw mo?” si Dave.

“Okay lang, salamat sa flowers, pero hindi mo naman kailangang magpadala araw-araw…”

“Masyado kasi akong busy ngayon, hindi kita mapuntahan kaya instead of me, flowers na lang para maalala mo pa rin ako araw-araw…” (Itutuloy)