Una sa Balita

Dream Dream Dream markado sa 3YO race

0 263

NANINIWALA ang ibang karerista na may potensiyal ang mga kabayong sasalang sa Three-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa unang karera ngayong araw sa Metro Turf ng Malvar-Tanauan City, Batangas.

Isa sa magiging markado ng mga liyamadista si Dream Dream Dream na rerendahan ni class A rider RM Garcia, pero dahil mga bagitong kabayo ay anybody’s race pa rin ang labanan ayon kay Patrick Nepomuceno, karerista na taga-Cavite.

Makakatapat ni Dream Dream Dream sina Common Sense, Security Supreme, Quid Pro Quo, City By Storm at Baby Riley sa event na may distansyang 1,400 metro.

“May talagang ipinanganak na magaling, meron naman na habang tumatanda ay gumagaling kaya sa laban na ito pagalingan din ng paghahanda kaya kahit sino puwede manalo sa laban,” hayag ni Nepomuceno.

Tiyak na magandang laban ang masisilayan dahil may nakalaan na P10,000 added prize para sa 3YO na kabayong unang tatawid sa meta, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom). (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More