Una sa Balita

Draymond na-upset sa injury ni DeMarcus

0 259

SI Draymond Green ang isa sa mga nagkomento sa pinakahuling injury na inabot ni DeMarcus Cousins.

Isang season ding naging magkakampi ang dalawa sa Golden State Warriors, bagama’t nakailang laro lang.

Via ESPN at ni Marc Spears ng The Undefeated:
“One of my goals coming into this season was for DeMarcus to destroy everybody and come back and show how great of a player he is and get what I think he deserves,” ani Green. “I’m really at a loss for words about it. It’s one that really hurt me for sure.”

Dismayado ang marami sa inabot na ACL injury ni Cousins. Hindi pa nga nakakapaglaro sa regular season sa Los Angeles Lakers ay bagsak na naman.

Sa edad 29, nagka-injury na ang Lakers center sa kanyang Achilles at quad, ngayon ang ACL – sa loob ng dalawang taon.

Inabot ng Achilles injury habang nasa New Orleans pa noong 2018, nalipat sa Warriors si Cousins pero February na nakalaro. Sa playoffs, nagkaroon naman ng quad injury at natengga ulit. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy