Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drayber binaunan ng 3 bala sa ulo, tigok

0 79

Patay ang isang tsuper makaraang pagbabarilin ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng minamaneho niyang trak sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo mula sa cal. 45 ang biktimang si Randy Lampayug, 32-anyos, stay-in driver at residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila.

Ayon sa kasamahan niya na si Ramil, nakahiga siya sa loob ng pinapasukan nila sa C-3 Road, Brgy. 28, Caloocan City nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril bandang ala-1:25 ng madaling-araw.

Agad umano siyang lumabas at nagulat siya nang makita niya ang biktima na duguan at nakabulagta sa driver seat.
Samantala, narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bulsa ng biktima ang isang plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, gayundin sa bag nito na may kasama pang mga drug paraphernalia.

Hindi naman inaalis ng mga awtoridad ang posibilidad na may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pagpaslang kay Lampayug. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.