Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drama aktres sobrang maldita

0 76

Noon pa man ay mahirap nang pakisamahan ang drama actress na ito. Pre-pandemic, sakit na ng ulo ang babaeng ito dahil sa kanyang attitude. Wala itong makasundong personal assistant at wala rin itong kasundong katrabaho niya sa ginagawang teleserye.

Kaya iniiwasan siyang makatrabaho ng maraming artista. Kapag sinabing kasama ito sa show, may mga artistang umaayaw kasi alam nila na mahilig mang-powertrip ang babaeng ito. Kahit sa dressing room, gusto niya na siya lang ang nandoon at ayaw maki-share. Kaya si malditang drama actress, ang kaibigan lang niya ay ang kanyang cellphone dahil yun lang ang gusto niyang kausapin kapag breaktime at kever siya sa makipag-bonding sa co-stars niya.

Fast forward at nauso ang lock-in taping. Kinukuha pa rin ang malditang drama actress dahil may kontrata pa ito. Pero nagulat ang staff ng isang teleserye na bigla raw itong naging mabait. Maayos na raw itong kausap ngayon at wala na itong mga demands tulad noon.

Sa naging storycon nila via Zoom, naging pleasant ito sa kanyang mga co-stars at noong mag-taping na sila, wala silang narinig na reklamo mula rito. Baka tuluyan na raw bumait ito dahil sa nangyaring pandemya. Naisip nito siguro na mas okey ang maging mabait kesa maging maldita.

Kailangan ding magpalit ng ugali ang aktres dahil takot lang niya kapag ni-report siya ng staff for being uncooperative. At saka malapit nang mag-expire ang kontrata niya at hoping siyang ma-renew ito kaya dapat sweet at behave siya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.