Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drama actress nahumaling sa inosenteng hunk actor

0 128

How true na nakakaramdam ng selos ang hunk actor na ito dahil sa atensyon na binibigay ng kanyang secret lover sa isa ring hunk actor?

Nagbakasyon ng matagal sa ibang bansa ang hunk actor at noong bumalik siya ay parang nanlamig na raw sa kanya ang kanyang secret lover… na isang drama actress.

Napansin ni hunk actor na nawala na ang dating mainit na samahan nila at tila distracted ang drama actor tuwing naglalambing sa kanya si hunk actor.
Nang tanungin daw ni hunk actor kung ano ang problema at parang cold na ito sa kanya, sagot ni drama actress ay naiinis siya sa ginawa ng hunk actor na nagbakasyon ng matagal. Sinabi nito na isang buwan lang siya mawawala pero inabot ng almost three months ang bakasyon nito.

Sey ng aming source: “Siyempre naimbiyerna si girl dahil ang tagal ng bakasyon nitong si lalake. Eh guwapo at macho pa naman ang damuho, kaya imposibleng walang lumandi dito sa ibang bansa. Eh malandi pa naman itong si lalake, konting himas mo lang sa kanya, bibigay na lalo na kapag nakainom. Kaya ang kinakainis ni girl ay baka kung sinu-sinong babae ang tinira nito sa ibang bansa sa tatlong buwan niyang bakasyon. Hindi siya naniniwala na wala itong kinama na babae dahil kilala niya ang libido ng aktor.”

Kaya habang wala si hunk actor sa eksena, nabaling ang atensyon ni drama actress sa isa ring hunk actor na kasama niya sa bagong show.

Chika ng aming source: “In fairness, mas bata kasi ito kesa kay hunk actor at mabango. Amoy baby nga raw kumpara sa amoy ni hunk actor na pumapakla na. Kaya nahumaling si drama actress sa mas batang hunk actor dahil may bahid pa ng kainosentehan ito at game na mag-experiment sila sa kama. Natural at bibigay ang bruha. Nadarang kaya siya noong nawala si hunk actor.”

Noong malaman ito ni hunk actor, alam niyang madaling mapalapit si drama actress sa iba dahil sa ginawa niya. Inamin ni hunk actor na hindi siya santo kaya kung sino ang game na babae na lumapit sa kanya ay matitikman niya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.